Epilogue

1.2K 38 3
                                    


Namulat ako sa karangyaan. Iba't ibang mukha ang nakikita ko sa tuwing may party sa bahay. Maliban nalang sa mga madalas kong nakakasama—sina Kristiansen na anak nina tito Dominic at tita Paula, si Laurel na anak nina tito Grant at tita Xiandriah, Aquiline, daughter of tita Bella and tito Aldrei and of course, Farl, son of tito Xander and tita Ysvette, echetera. Lahat kami namulat na kami ang mga susunod sa yapak ng mga magulang namin. We are the new generations of the Heirs. Mula nagkaisip, hindi ko mawari na sobrang higpit pala ang mundo na ibinigay para sa amin. Ang sabi sa akin ni mama, sinisiguro lang daw ang seguridad para sa amin lalo na't kami ang susunod na hahalili kay papa. Lalo na't ayaw nila kami mapahamak. Saksi ako kung papaano minahal ni papa si mama. Kahit si ate Siannah ay siya mismo ang nagsasabi o nagkukwento sa akin kung papaano iniligtas ni mama si papa noon sa bingit ng kamatayan. Kaya iyon ang naging inspirasyon ni ate para sumunod sa yapak ni mama. Gusto niya din maging doktor.

"Fabian, anong kurso ang kukunin mo sa college? Business?" nakangiting tanong sa akin ni Molly. Lunchbreak ngayon at nasa Cafeteria kami ng Stoneford.

"I don't know yet." tinatamad kong sagot saka sumubo ng cheese burger. Wala akong gana mag-heavy meal. "Ikaw ba?"

Kita ko ang pagngiti niya't yumuko na tila nahihiya sa naging tanong ko. "I-ikaw. . . Kung saan ka. . . Doon ako." medyo nahihimigan ko ang panginginig ng kaniyang boses nang sagutin niya 'yon na hindi ko alam kung bakit.

Binawi ko ang tingin ko saka bumaling sa bintana. Hindi ko maitanggi na nabobored na ako sa pinanggagawa ko sa pang-araw-araw. At this age, I could feel the love they're talking about. Ewan ko, sadyang libro at pag-aaral lang ang pinagkakaabalahan ko. Naghahanap ako ng iba. Isang nakapa-challenging na bagay. That I could say, someday, it's really worth it.

Tahimik lang ako nakasunod sa mga kaibigan ko. Bigla nila akong inaya na maglaro ng airsoft. Since wala naman akong gagawin para sa araw na ito, pumayag ako. May alam naman ako kahit papaano pero sadyang hindi ako naglalaro sa mga ganitong pagkakataon. Mas gumagana ang utak ko kaysa sa pisikal kong katawan. Kung pagdating sa mga quiz o may kinalaman sa mga academics, go lang ako. Pero ito? Nah.

"Ready?" nakangiting tanong sa amin ni Kristiansen. "Ang mga makakalaban natin ngayon, mga Hochengco."

Gulat akong tumingala sa kaniya. "What? Ang magpipinsan na 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango siya't humalukipkip. "Kahit star player nila si Rowan Ho, hindi ibig sabihin 'yon ay hindi rin magagaling ang iba pa niyang pinsan. According to my research, madalas ay ang iba sa kanila ay ginagawang decoy at si Rowan Ho ang huling aatake." pagpapaliwanag niya.

Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga. So ibig sabihin, kailangan kong magdoble ingat dito. Tumayo na ako't lumabas na kami patungo sa battle field. Maraming manonood ngayon na wala rin akong ideya kung bakit siguro ay dahil, kilala din ang magpipinsan sa ganitong laro. Dmn it.

Pumuwesto ako bandang bubong ng isang bungalow house. Nasisiguro ko na hindi ako makikita o matutunugan dito. I shall play as a sniper here. Ayoko ng takbuhan o ano. Madali akong mahuli kapag ganoon. Mas maigi na ito.

Nagsimula na ang laban. Rinig ko na ang sunud-sunod na putok sa kawalan. Nakaantabay lang ako dito sa puwesto ko. Palihim kong tinitingnan kung may matatamaan ba ako. Dmn, hindi ko akalain na madami pala silang magpipinsan. Napapansin ko din ang tactics nila. Magaling. Talagang pinapalito nila ang mga kasamahan ko. Itinutok ko ang shotgun ko sa isa nilang kasama. I slowly pulled the trigger pero bigla ako nakaramdam na tinamaan ako sa braso. Nanlaki ang mga mata ko na inunahan ako. Hindi ko naramdaman ang presensya niya! What the fck, papaano nangyari 'yon?

Agad ako lumingon para tingnan kung sino ang tumama sa akin! May isang tao na nakatutok ang airsoft gun sa direksyon ko. Tulad ko, nasa kabilang bubong din siy. Seryoso ang tingin niya sa akin.

Nice & Spice | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon