"Here," alok sa akin ni Aaron ng isang baso ng juice. Tinanggap ko iyon na siya naman ang pag-upo niya sa tapat ko.Alam kong nabigla ko siya sa pagdalaw ko dito sa Opisina niya. Wala na akong ibang malalapitan. Siya lang ang kilala ko pagdating sa ganitong bagay. Aaron Thaddeus Ho, tito Archie and tita Jaycelle's the youngest and only son is a family lawyer. Bukod sa divorce, he even specialized in adoption, and custody. Kaya alam kong matutulungan niya ako sa problema na kinahaharap ko ngayon.
"So. . . What brings you here, atsi?" pormal niyang tanong sa akin pero naroon pa rin ang pagtataka sa tono ng boses niya.
Seryoso akong tumingin sa kaniya. "He's back, Aaron. Si Fabian Wu." diretsahan kong tugon. Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "And he wants my children's custody. Gusto niyang kunin ang mga ito." dagdag ko pa. Ipinatong ko ang baso sa mababang mesa. Umiiling-iling ako. "Hindi ko na alam, Aaron. . . Hindi ko na alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. . . Natatakot ako. . . Natatakot ako dahil baka kunin niya sa akin ang mga anak ko, lalo na't kasal pa kami." pumikit ako ng mariin, hindi ko na rin mapigilang mapamura sa harap niya dahil sa matinding frustrations na nangingibabaw sa akin.
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Wala ka naman dapat katakutan, atsi. Lalo na't wala pang pitong taong gulang ang kambal." kumento niya. Tumingin ako sa kaniya. "Malaki ang laban mo sa kaniya. Ang problema nga lang, parehong legitimate ang mga anak ninyo ni Fabian. Problema din ay nakasulat ang pangalan niya sa birth certificate ng kambal na pupwede din gawing ebidensya sa korte iyon. Base sa sinabi mo, gusto niyang kunin ang kambal. I guess, he will process some papers regarding sole custody, ibig sabiin, si Fabian ang kikilalaning guardian ng kambal, iyon ay kung mananalo siya sa kaso." he explained. Marahas siyang kumawala ng buntong-hininga. "Kailangan mo siyang makausap, atsi. Pakiusapan mong joint custody ang ipoproseso ninyo, sa gayon ay hindi ka mawawalan ng karapatan sa bata. Ang pinakaibahan nga lang, pareho kayong may karapatan sa mga bata. Sa parte nga lang ni Fabian, mabibisita niya ang bata sa mga oras o araw na pag-uusapan ninyo."
Natahimik ako saglit sa naging paliwanag ng pinsan ko. Parang akong kakapusin ng hininga. "Alam mong sagad sa buto ang galit ko sa kaniya, Aaron." mahina kong pahayag.
"Naiitindihan ko ang sentimento mo, atsi. Pareho pa naman kayong financially stable, parehong kilala sa business world ang pangalan ng angkan na pinanggalingan ninyo ni Fabian. Okay sana kung wala siyang permanenteng trabaho, malaki talaga ang laban mo sa kaniya. Pero. . ." tumigil siya ng ilang segundo.
Tumingin ako sa kaniya. Inaabangan ang susunod niyang sasabihin.
"Napapansin kong handa ninyong lutsayin ang mga pera ninyo para sa gusto ninyo." isinandal niya ang kaniyang likod sa mahabang couch. "Mag-usap muna kayong dalawa bago ninyo i-usad ang kaso. Kahit pag-usapan ninyo muna ang mga terms and agreement, isama mo na din ang magiging sustento niya sa kambal."
Umawang ang bibig ko. "Ibig sabihin, hahayaan kong makalapit siya sa mga anak ko?"
"Kung ayaw mong tuluyang mailayo sa iyo sina Genesis at Geneva, bakit hindi? I believe that will be the best option." mas sumeryoso ang kaniyang mukha. "Hindi mo ba napapansin na hinahanap na ng kambal ang kanilang ama?"
Nanatili akong nakatitig sa pinsan ko, pero ramdam ko na pinipiga ang puso ko. "A-anong ibig mong sabihin?" sinikap kong tanungin iyon.
"Habang nasa trabaho ka, alam naman nating nakakasama ng angkan ang kambal. Tinatanong nila kami kung nasaan ang tatay nila? Bakit hindi daw nila ito nakikita? Saan ito nagpunta? Kamusta na kaya siya?" dagdag pa niya. "Kami, kapamilya mo lang kami, pero wala kami sa lugar upang sagutin ang mga mabibigat na tanong ng mga bata. Dahil ikaw ang nanay nila. Ikaw ang may karapatan sagutin ang mga tanong nila tungkol sa pagkatao nila. Hindi ko naman sinasabi na pumapanig ako sa mga Wu, pero hindi mo ba nakikita ang sarili mo kay Geneva?"
BINABASA MO ANG
Nice & Spice | Completed
Roman d'amourLA HEREDERA SERIES #4 : Kahit minsan ay hindi sumagi sa isipan ni Sarette Ho na pumasok sa isang relasyon. Sapat nang makita niya ang mga kapatid na masaya ang mga ito sa buhay pag-ibig at buhay-may asawa na. Mas gugustuhin niyang unahin ang career...