Chapter 5

728 22 0
                                        


Napaúngol ako dahil sa lakas ng tunog ng alarm ng aking cellphone ko. Bahagya akong gumalaw para kapain ang telepono sa side table na katabi lang ng kama ko. Nang hawak ko na ito ay idinilat ko ang isa kong mata para patayin ang tunog saka ibinalik ko ulit sa mesa. Pumikit ako muli. Inaantok pa ako. Gusto ko ulit matulog pero may nararamdaman akong kakaiba. Bakit parang may nakadaganan sa akin? Ang bigat, eh.

Inilipat ko ang mukha ko sa kanan. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang mukha ng isang lalaki na mahimbing pa na natutulog. Hanggang sa unti-unti na nanlalaki ang mga mata ko nang napagtanto ko kung sino ang lalaki. Nawala ang antok ko na parang bula nang naging klaro ang mukha niya sa akin!

What. . . The. . . Héll. . .? Totoo ba ito? Hindi ba ito guni-guni man lang?! Siya nga ba itong nakikita ko!?

Mabilis akong bumangon at natataranta akong umalis ng kama. Bumaba ang tingin ko sa aking sarili. Napasinghap ako napasapo sa aking bibig nang makita ko na wala akong saplot ni isa! I feel sore, too! Agad ko nilapitan ang kama sabay agaw ng kumot mula sa lalaking ito. Mabilis kong itinapis iyon sa aking katawan. Hindi ko mapigilang mapatili nang tumambad sa akin ang hubo't hubad niyang katawan sa aking paningin! Lalo na't nakita ko ang natutulog niyang kaibigan sa pagitan ng kaniyang mga hita! Dahil din d'yan ay nagising siya sa nilikha kong ingay!

"What the-" natataranta niyang sabi nang bumangon siya. Napatingin siya sa akin. "Baberette. . ."

Namimilog pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Nagtaas-baba ang aking dibdib. Tila hindi ako makahinga ng ayos sa lagay ko na ito. Sabihin ninyo, hindi totoo, ito! Walang nangyari, hindi ba? Tell me, this is only a nightmare! Napatingin ako sa palasingsingan kong daliri nang ramdam ko na may suot ako doon. Laglag ang panga ko sabay suminghap nang makita ko ang isang singsing doon. Mabilis kong inilipat sa kaniya ang tingin ko. Dahan-dahan akong umiling. "Sabihin mo. . . Hindi totoo ito. . ." nanghihina kong sabi.

Umalis siya sa ibabaw ng kama at nagsuot ng boxers na napulot niya sa sahig. "Baberette. . ." akmang lalapitan niya ako ngunit agad ko inangat ang isang kamay ko na sinasabi na huwag na huwag siyang lalapit sa akin. Never!

"Stop!" malakas kong bigkas. "Don't. Just don't. Don't even dare ."

"Sarette. . ." pangalan ko naman ngayon ang tinawag niya.

"Hindi totoo ito. . . Walang nangyari. Wala. . ." ipinakita ko sa kaniya ang singsing na nasa daliri ko ngayon. "Isinuot mo lang sa akin ito, right? Hindi ito singsing ni angkong. . ."

"We got married, Sarette in an instant. And last night, may nangyari na sa atin. Yeah, we made it." kalmado niyang sambit.

Umaawang ang bibig ko. I gasped once more. Ayaw tanggapin ng buong sistema ko ang lahat ng mga ito. Na kasal na ako sa lalaking ito! Ang malupit pa, ay may nangyari na sa amin! Napatampal ako sa aking noo. Halos sabunutan ko ang aking buhok ko dahil sa frustrations. Tumalikod ako sa kaniya. Parang nanghihina ako nang wala sa oras!

"Sarette. . ." malumanay niyang tawag sa akin nang tuluyan na niya akong nahawakan. Marahan niya akong hinarap sa kaniya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Diretso ang tingin niya sa akin. Punung-puno ng kaseryosohan sa kaniyang mukha. "You're now my wife. Asawa na kita sa ayaw at sa gusto mo."

Awtomatikong tumalim ang mga mata ko sa kaniya. "Hindi mo alam ang sinasabi mo, Fabian." matigas kong sambit.

"Pero ang mga singsing ang nagpapatunay na kasal ka na sa akin."

Nagpupumilit na kumawala ako mula sa pagkahawak niya sa akin. "Hinding hindi mo ako maloloko, Fabian! Baka sinamantala mo ang kalasingan ko at doon, naglakas-loob ka na ipagpalit ang mga singsing!" singhal ko sa kaniya. Hindi ko maiwasang akusahan siya!

Nice & Spice | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon