Sa pagmulat ng mga mata ko, puting kisame na ang tumambad sa akin. Rinig ko ang mga boses sa gilid ko. Unti-unti lumilinaw ang paningin ko nang ibinaling ko ang aking ulo sa aking kaliwa. Bumungad sa akin na kausap ni Rowan ang doktor. Base sa mukha ng aking kakambal ay seryoso ito. Para bang hindi maganda ang balita na hatid ng doktor na kausap niya. Ano bang nangyari pagkatapos namin puntahan ang mga Wu kanina? Ang pakiramdam ko lang naman ay nanghina ako ng sobra. Wait, naalala ko lang na umalis pala si Fabian. Umalis siya na wala man lang nagbigay ng ideya sa akin kung saan siya pupunta."Thank you, doc." rinig ko mula sa aking kakambal. Nakita ko kung papaano tinalikuran ng doktor si Rowan at tuluyan nang nakaalis sa silid na ito. Sunod naman ay dinaluhan ako ng aking kapatid. Natigilan siya nang makita niya akong nakadilat na. Mas bumilis ang paglapit niya sa akin. "Sarette. . ."
"A-anong nangyari?" iyon agad ang lumabas sa aking bibig habang nakatitig ako sa kaniya. "Anong sabi ng doktor?"
Umukit ang kalungkutan sa kaniyang mukha nang maitanong ko tungkol sa bagay na iyon. Kinuha niya ang upuan na malapit sa kaniya at umupo sa aking tabi. Hinawakan niya ang aking kamay. Ramdam ko na mahigpit siyang humawak doon na mas lalo ko ipinagtaka. Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga at muli siyang tumingin sa akin nang seryoso. "You're pregnant, Sarette." and finally, he answered.
Parang tumigil ang ikot ng aking mundo nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Mas lalo ako nakaramdam ng panghihina, kasabay na pagpiga ng aking puso. Kinakapos ng hininga nang wala sa oras. Dumako ang tingin ko sa kisame. Wala akong makapang salita upang maging reaksyon sa aking nalaman. Buntis ako. . . Dinadala ko na ngayon ang magiging anak namin ni Fabian. Magiging nanay na ako, magiging tatay naman siya. Ramdam ko na umagos ng aking luha mula sa aking mata. Tumulo iyon sa unan. Nagkahalo-halo na ang emosyon ko. Kagalakan, kaba at takot ang nangingibabaw sa akin ngayon. Masaya ako dahil amgiging magulang na ako. Magkakabunga na ang pagmamahalan namin ni Fabian pero kinakabahan at natatakot ako sa maaaring maging reaksyon nina baba at mama sa oras na malaman nila ang lahat.
"Sarette," tawag sa akin ni Rowan sa pamamagitan ng baritono niyang boses. "Sasamahan kitang ipaalam sa angkan ang tungkol sa kalagayan mo."
Kinagat ko ang aking labi. "Alam kong magagalit sila, Rowan." pahayag ko sa aking kakambal. "Lalo na si baba, magagalit siya lalo na't iniwan na ako ng asawa ko." nanginginig ang boses ko.
"They will understand. Sila pa ba? Alam mo naman sa ganitong sitwasyon, tutulungan ka namin kahit ano pang mangyayari." he added.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Mas lalo umagos ang mga luha na gusto nang kumawala. "I failed them, Rowan. Nadismaya ko ang pamilyang ito. Buntis ako. . . Dadalhin ko ang bata na walang ama. . . I am a failure member of this clan—"
"Shh, don't say that. Mas mahihirapan kami kung nakikita ka din naming nahihirapan." malumanay niyang sabi. "Ganito man din nangyari kay mama pero hindi rin sumuko si dad na hanapin tayo, lalo na si mama." he said.
Bumaling ako sa kaniya. Kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha ay wala akong pakialam. "But that's a different story, Rowan. Magkaiba ang pinagdaan namin ni mama. Hindi siya iniwan ni baba, pero si Fabian, iniwan niya ako sa maling akala!"
Mariin din niyang ipinikit ang mga mata niya. "Kahit marami kang pagkakamali na nagawa, kapatid pa rin kita. Hindi ka pa rin namin susukuan, dahil ganito ka namin kamahal."
Napasapo ako sa aking tyan. Kung nasaan ang bunga ng pagmamahalan namin ni Fabian.
"Huwag ka nang umiyak. Makakasama sa magiging baby mo kapag naging stress ka." dagdag pa niya. "For now, kailangan mo munang magpahinga. Tomorrow madi-discharge ka na. Uuwi tayo sa bahay, pag-isipan mo kung ano ba ang dapat gawin sa oras na kakausapin natin sina baba—"
BINABASA MO ANG
Nice & Spice | Completed
RomanceLA HEREDERA SERIES #4 : Kahit minsan ay hindi sumagi sa isipan ni Sarette Ho na pumasok sa isang relasyon. Sapat nang makita niya ang mga kapatid na masaya ang mga ito sa buhay pag-ibig at buhay-may asawa na. Mas gugustuhin niyang unahin ang career...