Chapter 2

897 24 0
                                    


Walang sabi na agad ko inalayo ang sarili ko kay Fabian. Hinarap ko siya na nakaguhit sa aking mukha ang pagkairita. Kahit na malakas ang tama ko, sapat na siguro sa ang lakas ko para tagumpay ako makawala sa kaniya. Pero imbis na magalit siya sa aking inasta ay tila kabaliktaran pa ang nangyari. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin nang diretso. Na para bang pinag-aaralan niya ako sa mga tingin niyang iyon. Hindi ko magawang magsalita. Kahit na dumodoble na ang paningin ko, hindi ako nagpatinag.

Pinili ko na lagpasan nalang siya pero nahuli niya ang isang kamay ko na medyo ikinagulat ko. "Let me go, Mr. Wu." matigas kong utos sa kaniya.

Tumaas ang isang kilay niya, nagtama ang mga mata namin. Naroon ang kaseryosohan. Parang sinasabi sa akin na ako ang masusunod sa gusto niya! I could sense also the tension within that gaze. "Not quite, Ms. Ho." mas matigas niyang turan. "You're drunk. Sumama ka sa akin." maawtoridad niyang sambit.

"No way." matigas kong sambit.

He smirked. "Yes. Way." matigas niyang sambit at walang pakundangan na binuhat niya ako na animo'y isang sako ng bigas! Dahil sa inis na bumuhay sa aking sistema ay pinaghahampas ko ang kaniyang likod pero wala man lang ako narinig na daing mula sa kaniya. At alam ko na kung bakit, ang tigas ng likod niya! Halatang nagji-gym ang isang ito! Pero hindi, hindi pwedeng makasama ko ang lalaking ito kahit anuman ang mangyari! At hindi ako papayag na dalhin niya ako kung saan man! Over my déad body!

"Fabian? Atsi Sarette?" rinig kong boses ni Vesna, sa bandang likuran ni Fabian. Kahit na namumungay na ang mga mata ko dahil sa tama ng alak ay kita ko kung papaano siya nagtataka sa nangyayari. "What happend?"

Magsasalita sana ako nang inunahan ako ng siraulong Wu na ito! "Hey, Miss Vesna Ho, can you tell Rowan Ho na hihiramin ko muna ang kakambal niya? I need to talk this woman. ASAP."

Pakurap-kurap muna si Vesna na parang iniitindi niya ang pinagsasabi ng lalaking ito. Tumango siya sa huli kahit na nagtataka pa rin. "Oh, sure. I will. Pakihatid na din si ate Sarette." sabay ngumisi siya nang nakakaloko sa akin. Isang makahulugang ngisi iyon! Hinding ako nagkakamali!

Biglang gumalaw si Fabian na buhat-buhat pa rin niya ako. Ilang beses na akong nagpupumiglas para maibaba niya ako ngunit tila bingi siya sa mga hinaing ko! Dire-diretso siyang sa paglalakad. Kahit ang mga ibang bisita na nakakasalubong namin ay napapatingin at nagtataka na sa amin pero akala mo walang pakialam sa paligid ang lalaking buhat-buhat ako. What the héll, wala bang pakiramdam ng isang ito?! O sadyang makapal ang mukha niya?

Nang napadpad na kami sa Parking Lot ay doon na niya ako nagawang ibaba. Dahil pa rin sa inis ay sinuntok ko ang dibdib niya pero mukhang hindi tumalab sa kaniya 'yon. What the?!

Tamad niyang binuksan ang pinto ng kotse na nasa gilid namin. Napatingin ako doon na kunot ang noo. Ibinalik ko din sa kaniya ang tingin ko. "Wait, this is not my car, Mr. Wu." I hissed.

Nakatingin siya sa akin. "I know. And I want you to ride here in my car. You're drunk and I don't want something happend bad to you, Baberette." he said casually. "And don't worry, ihahatid kita sa Penthouse mo."

Dahil sa umaapaw na inis sa aking katawan ay inilabas ko iyon sa pamamagitan ng pagpapadyak ko. Sinilip ko ang reaksyon niya. Tamad siyang nakahalukipkip pero nanatili pa rin sa akin ang tingin niya. I was like a child with a whims while he is like my parent, huh?

Sa huli ay wala na akong magawa kungdi pumasok sa front seat ng kaniyang Lamborghini. Nahuli ko ang ngisi niya bago ko man isinandal ang ulo ko sa head rest ng upuan. Pakiramdam ko ay unti-unti nawawala ang lakas ko. Siguro nauubos iyon dahil pakikibaka ko sa isang Mr. Fabian Wu. Dahil nakainom na ako, pero siya hindi pa! This is unfair!

Nice & Spice | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon