Pagkatapos ng mga mahaba-habang meeting ay sa wakas nagkaroon na din ako ng oras para makapag-relax. Sadyang isinama ko sa schedule ko ang appointment ang magpa-spa, isang beses sa isang linggo ko ito ginagawa dahil tuwing weekend naman ay iyan ang mga oras na nasa penthouse lang ako at ang tanging ginagawa ko lang ng mga oras na iyan ay natutulog o kung anuman maisipan ko.First, I choose facial massage. Kahit na isa akong CEO ng Grand Empress Hotel & Resort, hindi ko din dapat pabayaan ang physical appearance ko. Kapag may maluwag na oras ako ay pinapasok ko na ang pagiging modelo sa mga fashion magazine. Hindi ko rin maitanggi na isa na ako sa kilalang personalidad sa alta sociedad sa Pilipinas, maski sa Asya, hindi lang ako. Pati na din ang ibang pinsan ko. Masasabi na dahilan na isa ako sa myembro ng pamilyang Hochengco. Na anak ako ni Finlay Ho, hindi lang isang kilalang chef, kungdi restaurateur din, hindi lang dito sa Pilipinas maski sa Amerika at sa ibang parte ng Asya. Kumbaga, pangkabuhayan showcase ko ito!
Biglang tumunog ang cellphone ko. Inangat ko ang isang kamay ko para patigilin ang massage therapist sa kaniyang ginagawa. Ginawa naman niya. Si Debbie naman ay lumapit sa akin para abutin ang cellphone ko. Tinanggap ko saka idinikit ko iyon sa aking tainga. "Yes?" bungad ko sa kabilang linya.
"Hi, atsi Sarette! Verity here!" bulalas niya. "Where are you right now?"
"Spa." tinatamad kong tugon pero nanatili akong nakapikit. "Why?"
"Wala ka naman gagawin later, di ba? Aldrie ahia throwing a pool party here. Please come over, ha? Natawagan ko na din ang iba to come. Nakontak ko na din sina Rowan ahia and River ahia. They agreed. So it means, dapat kasama ka din. Ha?"
"Verity, I have a plan—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla siya ulit nagsalita.
"Don't worry, ipapareserve ko ang favorite booze mo, alright? Isesend ko sa iyo ang location. Mwa! I love you." at nawala na siya sa kabilang linya.
Napadilat ako't bumangon. Tinititigan ko ang screen habang laglag ang aking panga dahil sa hindi makapaniwala. Ano pa bang mapapala ko dito kay Verity? Ang ligalig talaga ng babaeng ito kahit kailan! Ano pa bang maaasahan ko? Super spoiled ng isang ito kina tito Vlad at tita Inez! Isama mo pa na nag-iisang babae sa magkakapatid, over protective pa ng mga kuya niya!
Kinagat ko ang aking labi sabay mariin kong ipinikit ang aking mga mata. I groaned na kulang nalang ay ibato ko ang cellphone ko. My goodness, I wanted to go home after this at babawi ako ng tulog. Pero mukhang malabo pa dahil bigla nagpaparty itong si Aldrie nang wala sa oras! Kung tatanggi man ako, kukulitin lang ako o kaya susugurin nila ako sa penthouse para kaladkarin na ako palabas sa lungga ko.
Lumapit si Debbie at inabot ko sa kaniyang cellphone ko. "Please get me a semi-formal dress in House of Laurel. And please, choose a color mint. I will attend some party." bilin ko sa kaniya.
"How about your shoes, Miss Sarette?"
"Gagamitin ko pa rin itong sapatos ko. Tell Nora na ako na ang magdadrive ng kotse."
Tumango siya. "I understand."
"Thank you."
Agad umalis si Debbie sa harap ko para hanapan na niya ako ng damit na susuotin ko mamaya sa party. Marahan akong pumikit at nagbuntong-hininga. Muli ako humiga at pinatuloy ko therapist ang pagmamassage niya sa mukha ko.
**
After my facial massage ay dumating na din si Debbie na dala niya ang dress na pinapadala ko. May dala din siyang alahas from Tiffany & Co. Dito na din ako sa salon nagbihis. Ngumuso ako at nakapameywang habang pinag-aaralan ko ang sarili ko sa harap ng full length mirror na nasa harap ko. Napangiti na din ako dahil perpekto na din naman ang damit na naisip ko. Actually, matagal ko nang gustong bilhin ang damit na ito. Wala lang akong makuhang tyempo dahil busy pa ako sa sunud-sunod na trabaho. Biglaan lang din ang pagbili ko sa damit.
BINABASA MO ANG
Nice & Spice | Completed
Roman d'amourLA HEREDERA SERIES #4 : Kahit minsan ay hindi sumagi sa isipan ni Sarette Ho na pumasok sa isang relasyon. Sapat nang makita niya ang mga kapatid na masaya ang mga ito sa buhay pag-ibig at buhay-may asawa na. Mas gugustuhin niyang unahin ang career...