Chapter 4

741 16 0
                                    


Bumuga ako ng isang malalim na buntong-hininga nang naayos ko na ang mga natitirang papeles. May mga pirma na ni Fabian ang mga ito at bukas ng umaga ay ipapasa ko na ito sa mga department. Napasulyap ako sa aking orasan na nasa palapulsuhan. Pasado alas singko na dahil kakatapos lang din ng formal meeting na kasama ang mga board members. Noong una ay ayaw ko sanang dumalo dahil hindi na ako ang CEO ng hotel and resort na ito. Para sa akin ay malaking kahihiyan ang inabot ko buhat nang si Fabian Wu na ang namahala nito. Yeah, yeah, dahil mas malaki ang shares niya dito! Dámn it.

Lumipat ang tingin ko kay Fabian na nasa loob pa rin ng opisina. Seryoso siyang nakatingin sa kaniyang laptop, na para bang may binabasa siya doon. Binawi ko din ang aking tingin saka nagkibit-balikat. Isinuot ko na ang aking sling bag. Humakbang ako palapit sa Opisina para magpaalam na sa kaniya na aalis na ako. Kumatok ako ng tatlong beses bago ko binuksan ang pinto. Sa pagtapak ng mga paa ko sa Opisina ay nakuha ko ang kaniyang atensyon. Tumayo siya ng tuwid sabay nakatingin siya ng diretso sa akin.

"Sir, I gotta go. . ." mahinahon kong paalam sa kaniya.

"Oh! I'll go with you." he said.

Napangiwi ako. "N-naku, kahit huwag na. . . Baka may ginagawa pa po kayo. . ." dahil gusto ko nang umuwi sa Penthouse, at ayokong makita ang pagmumukha mo. So, please, makiramdam ka naman!

Ngumisi siya. "Sa tingin mo, bakit ako nakatunganga dito sa loob?" he suddenly asked. "Hinihintay ko lang na matapos ka sa ginagawa mo."

Umaawang ang bibig ko sa sinabi niya. What? It means, wala talaga siyang ginagawa dito sa loob? Nakatunganga lang talaga siya? Ang akala ko pa man din ay busy siya sa pagbabasa ng mga kung anu-ano. Don't tell me, nakatulala lang siya d'yan?Wala lang pala siya ginagawa!

Muli ako nagbuntong-hininga. Umaayos ako ng tayo at pormal na tingin ang iginawad ko sa kaniya. "Well, kailangan ko na pong umuwi, Sir Fabian." maski sa tono ng pananalita ko ay pilit kong maging formal. Tinalikuran ko na siya hanggang sa nakalabas na ako ng opisna.

Papalapit na ako sa elevator pero biglang may isang braso na pumulupot sa aking bewang. Gulat akong tumingin kung sino ang nagmamay-ari n'on. Napasinghap at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko na si Fabian! Nahabol pa niya ako. Tatanggalin ko sana ang kamay niya sa akin pero huli na. Mabilis kaming nakarating ng elevator. Siya pa ang pumindot ng buton. Pinindot niya ang basement. Doon na rin ako nakakuha ng pagkakataon na makawala sa kaniya. Humalukipkip ako't pilit ko siyang huwag kibuin.

"Ihahatid na kita sa bahay mo." bigla niyang sabi.

"No need. I have my own car." pagtatanggi ko na hindi tumitingin sa kaniya.

"Oh, I see." he said cooly.

Ano bang problema ng isang ito? Nakuha na nga niya mula sa akin ang kompanya ko, hindi pa rin niya ako tinitigilan?!

Tumunog ang elevator na hudyat nasa tamang palapag na kami. Agad ko dinaluhan ang aking Ferrari pero napasapo ako sa aking bibig nang makita ko ang kalunos-lunos na sitwasyon ng aking sasakyan! Puros wala nang mga gulong ang mga iyon! What the hell?! Sino ang may pakana ng mga ito?!

"What happened?" bigla na naman sumulpot si Fabian sa gilid ko. Nakapamulsa siya sa kaniyang magkabilang bulsa. Nakapatingin din siya sa aking sasakyan. Rinig ko pa ang pagsinghap niya. "Ohh! What happened to your car?" painosente niyang tanong, akala niya, hindi ko mahahalata na exaggerated siya sa ekspresyon niya!

Inis akong bumaling sa kaniya. "Don't try to act innocent here, Fabian. What did you do to my car?!" napalakas ang boses ko dahil sa pagkairita. "Sabihin mo ang totoo, planado mo ito, ano?!"

Tumaas ang mga kilay niya nang tumingin siya sa akin. Tumikhim siya sa akin. Tinuro niya ang sasakyan ko na wala nang mga gulong. "Bakit ako naging suspek dito? I'm concern citizen here, ya know." sabay kamot siya sa kaniyang batok.

Nice & Spice | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon