Abala ako sa iniinom kong orange juice habang nakaupo ako sa gilid ng pool. Ngunit ang mga mata ko ay nakatuon sa mag-aama ko na masayang naglalaro. Ang iba ko namang pinsan ay abala sa mga niluluto, pag-aayos, kwentuhan, kantyawan, ang iba naman sa kanila ay naliligo din. Ang mga nanay at tatay namin ay abala naman sa kabilang villa na nirentahan namin dito sa Antipolo. Dahil ito ang gusto ng triplets para sa birthday nila, pinagbigyan namin ni Fabian. Bandang hapon na kami nakarating dahil hinihintay pa namin ang iba na tinapos muna ang kani-kanilang trabaho para makasama, lalo na't birthday ng mga pinakaunang nilang pamangkin. Sino din ba mag-aakala na dadalo din si tito Flare at tita Elene, along with Carisa, Klaus and Ardis. Narito din ang malayong pinsan nina papa na si tito Owen, kasama ang pamilya nito.Panay mga up beat songs ang pinatugtog dito. But suprisingly, gabi na pero hyper pa rin ang mga anak ko. Hindi pa yata sila nauubusan ng energy lalo na't panay lusong nila sa swimming pool. Tinuturuan pa sila ni Fabian na lumangoy kahit basic pa lang. Minsan ay nakikipagkulitan din sila sa mga tito at tita nila. Gayundin sa mga lolo't lola nila.
Inubos ko ang hawak kong orange juice saka lumusong na din ako. Dinaluhan ko silang apat. Geneva clinging against me. Habang sina Genesis at Genevieve ay nasa tatay nila. Tawang-tawa naman kami dahil inaasar ni Genesis si Geneva. Dahil sa na-out of balance ako ay natumba kami ni Geneva. Pagka-ahon naman ay nagtitili si Geneva, tinawanan naman siya ng dalawa niyang kapatid. Lumipat naman ito sa kaniyang tatay habang sina Genevieve at Genesis ay sumama sa akin. Tinuruan ko din sila kung papaano ang proper breathing para matuto din sila lumangoy. Sumulyap ako sa pinanggagalingan nina Fabian at Geneva na umahon muna sila.
"Hindi pa ba kayo gutom, Genesis? Genevieve? Kanina pa kayo langoy nang langoy." tanong ko sa mga bata.
"Ay, bigla po ako nagutom, mama." humahagikgik na wika ni Genevieve.
"Ako din po, mama." sang-ayon naman Genesis. "Kakain na po ba tayo?"
"Pwede rin naman kung gusto ninyo." nakangiting sabi ko.
"Okay po, mama!" sagot nilang dalawa.
Sabay na kaming umahon. Agad kaming lumapit kung nasaan sina Geneva at Fabian na nakaupo sa isang round table at pinapakain na ni Fabian ang anak namin na si Geneva. Ang ibang pinsan ko naman ay napansin ko ay nagsisimula na silang kumain. Tiyak inaaya na nila ang asawa ko na sumali sa inuman nila.
"Ginutom na si Geneva kaya umahon kami. Pinapakain ko na." sabi sa akin ni Fabian saka sinubuan niya ang kanin at ulam si Geneva. Bumaling siya dalawa pa naming anak. "You should eat, too."
"Yes po, papa!" masiglang tugon ni Genevieve at sumaludo pa. Binalingan niya ang kaniyang kuya. "Esis ahia, kain na daw tayo, sabi ni papa."
Sumunod si Genesis sa bunso. Sabay silang pumunta sa buffet table, tutal ay naroon naman din ang mga tito at tita nila kaya ma-aassist sila ng mga ito.
Nagtama ang tingin namin ni Fabian. Nakangiti siya sa akin habang nakatingala. Lumipat ang tingin niya sa pangalawa naming anak. "Can you feed yourself, Neva? Kukuhaan ko lang si mommy ng pagkain para makakain na din."
Malawak ang ngiti ni Geneva na bumaling sa kaniyang daddy. "Of course po, papa!"
Bago siya tumayo ay hinalikan niya ang sentido nito. Pagkatapos ay hinawakan niya ang isang kamay ko. Maingat niya akong iginiya patungo sa buffet table. Siya pa ang kumuha ng plato at mga kurbyertos. Tinatanong niya lang ako kung ano ang kakainin ko. Sinabi ko naman pero sinabi ko na ako na para hindi na siya mapagod pa pero pinagpipilitan din niya ang gusto niya na pagsilbihan ako. Sa huli ay wala na rin akong magawanpa.
Pagbalik namin sa mesa ay biglang lumapit sa amin si Adler habang nakatutok sa amin ang kaniyang camera. Malawak ang kaniyang ngiti. "Naks, happy family!" kumento niya.
BINABASA MO ANG
Nice & Spice | Completed
RomanceLA HEREDERA SERIES #4 : Kahit minsan ay hindi sumagi sa isipan ni Sarette Ho na pumasok sa isang relasyon. Sapat nang makita niya ang mga kapatid na masaya ang mga ito sa buhay pag-ibig at buhay-may asawa na. Mas gugustuhin niyang unahin ang career...