Chapter 20

607 19 0
                                        

Nakapagdesisyon na kaming dalawa ni Fabian. Ipapagamot namin si Genevieve sa pamamagitan ng heart transplant. Nagkaroon na siya ng operasyon noong wala pa ako sa tabi niya. Pero sa sitwasyon ngayon, my child's heart can't be repaired, and this operation will may be the best option. Wala na kaming oras para matakot, ang kailangan ng anak ko ay maging matatag at maniniwala kami sa kaniya na kakayanin niya ang matinding pagsubok na ito. Para lang hindi siya mawala sa amin nang maaga.

Todo asikaso kami mag-asawa sa pagproseso ng mga kakailanganin na papel para lang maoperahan ang anak namin sa lalo madaling panahon. Gagawin namin ang lahat, kahit malutsay pa ang pera namin sa pagpapagamot sa kaniya, wala kaming pakialam. Handa kami ni Fabian isakripisyo ang lahat alang-alang lang kay Genevieve. Lahat, isusugal namin. Makapiling lang namin siya.

Patuloy pa rin ako nakabantay kay Genevieve sa Ospital sa mga sumunod na ilang linggo. Si Fabian muna ang nauwi ng bahay at nagbabantay kina Genesis at Geneva. Alam kong nag-aalala pa rin ang mga mga ito sa kanilang kakambal.

Marahan kong hinawi ang takas na buhok ng aking bunso habang ito'y mahimbing na natutulog. Pinagmamasdan ko ito kung papaano matulog. She's peacefully sleeping right now. Idinikit ko ang kaniyang palad sa aking pisngi na hindi natatanggal ang tingin ko sa kaniya. Mapait akong ngumiti. "Hinding hindi ako mapapagod na alagaan at bantayan ka, anak. . ." mahina kong sabi. Pagkatapos ay hinalikan ko ang likod ng kaniyang palad at pumikit ng mariin. "Kumapit ka lang anak, magkakaroon ka din ng donor."

"Sarette. . ."

Napatingin ako sa aking gilid. Bumungad sa akin ang ate ni Fabian na si Dra. Siannah Wu, nakatayo siya sa aking tabi. Hindi ko man lang namalayan na nakapasok pala siya dito. "Ate Siannah. . ." mahina kong tawag sa kaniya.

Humawak siya sa isa kong balikat. "Ako na muna ang magbabantay kay Genie, kanina ko pa napapansin na wala ka pang kain mula umuwi muna si Fabian sa inyo. Kinakailangan mong kumain muna. Bukas pa naman ang Cafeteria dito sa Ospital." malumanay niyang pahayag. "Sa oras na malaman ito ni Genie, magiging malungkot lang siya. Dahil ikaw naman ang magkakasakit dahil nagpapagutom ka."

Sumulyap ako sa aking natutulog na anak. Bumuntong-hininga ako at tumayo na din. "Babalik din ako agad." sabi ko na may pilit na ngiti sa aking mga labi.

Ngumiti siya sa akin at tumango. Para bang nakahinga siya ng maluwag dahil sumunod ako sa kaniyang bilin. Na tagumpay niya akong makumbinsi. Tinalikuran ko na siya't naglakad na ako palabas ng silid. Marahan kong isinara ang pinto. Niyakap ko ang aking sarili habang naglalakad ako Hallway ng Ospital. Hinahanap ko kung nasaan ang Cafeteria na sinasabi ni ate Siannah pero tumigil din ako dahil napadpad ako sa isang lugar na hindi ko inaasahan. Sa isang Chapel.

Nakabukas ang pinto pati na din ang mga ilaw nito. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin upang kumawala ng hakbang papasok sa Chapel. Daig ko pang wala sa sarili nang umupo ako sa pew ng chapel. Nakipagtitigan ako sa imahe ng Hesus Cristo. Ibinuka ko ang aking bibig at lumuha ako nang wala sa oras sa kneeler. Ipinagdikit ko ang aking mga palad.

"Marami po akong gustong itanong..." garagal kong sabi. "Bakit masyado yata maraming pagsubok na ibinibigay ninyo sa akin? Ganito ba ako kalakas kaya pati ang anak ko kailangan din humarap sa pagsubok na ito? I don't want to tell you this but, why you gave me a dark times in life? Bakit ang anak ko pa? Bakit ang kahinaan ko pa?" hindi ko na nakayanan pa, tuluyan nang nanlabo ang paningin ko, hanggang sa naramdaman ko nalang na umaagos na ang mga luha sa aking magkabilang pisngi. Isinubsob ko ang mukha ko sa sandalaan ng pew. "Bakit ibinigay mo pa siya sa akin kung babawiin mo din pala?" Humigpit ang pagkahawak ko sa tela sa bandang dibdib ko. "Alam kong bihira lang akong lumapit sa inyo... Pero sana, tulungan ninyo kami. . . Hindi ko po kayang mawala ang anak ko. . . Hinding hindi ko kakayanin. . . Saglit lang kami nagkasama pero ayokong matuldukan 'yon. . ."

Nice & Spice | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon