Dalawang araw nang nakalipas pero hindi pa rin mahulaan ni Fabian kung anong kulay ng panloob ko. Gustong gusto ko nang matawa sa hitsura niya, papaano kasi, daig pa siyang desperado sa lagay na iyan. Magkasama man kami sa unit, maski sa labas ay pasimple niyang binubulong sa akin ang sagot niya. Sorry siya pero puro mali ang mga sagot niya. Hah! Isa akong Hochengco, mauutakan ko din siya kahit papaano kahit ang totoo niyan, mas matalino pa siya kaysa sa akin. Talaga lang gumawa ako ng paraan para hindi niya mahulaan ang kulay.From Fabian :
How about, sky blue?
Hindi ko mapigilang humalakhak pagakatapos kong mabasa ang kaniyang mensahe sa akin. Dahil weekend ngayon ay nasa bahay lang ako, samantala siya ay nagpaalam siya sa akin na kinakailangan niyang umalis. May family gathering daw sila sa Iloilo dahil naroon ang mga magulang niya ngayon. Doon din ay sasabihin niya sa parents niya na may asawa na daw siya. Baliw talaga, kahit kailan. Pero syempre, hindi ako kampante kung magugustuhan ba nila ako o hindi bilang asawa ng isang Fabian Wu. Kahit na sabihin natin na kamag-anak ko ang presidente ngayon ng International Business Club. Kahit na naging malapit ang mga Wu sa dating Grande Matriarch.
Inilapat ko ang mga labi ko saka nagtipang isasagot sa kaniya.
To Fabian :
Nope, wrong answer.
Tumuwid ako ng upo saka humigop ng tsaa. Kasalukuyan akong na sa Salas habang nanonood ng telebisyon. Wala naman ako masyadong gagawin. At saka, si Fabian pa rin ang nakaupong CEO ng Grand Empress Hotel. Wala pa akong karapatan na galawin ito base sa pamamalakad ko dati pa. Pero napapansin ko na mas umaayos ang negosyo mula na siya ang humawak n'on. Hindi na ako nagtataka kung bakit tinitingala din ang pamilya nila pagdating sa Industriya na ito. Sabado ngayon, naghihintay lang ako sa aya ng mga pinsan ko dahil ang palagi nilang motto: SATURDAY IS A HAPPY DAY! Samakatuwid, may posibleng mag-aaya silang mag-inom. Yes, nasa kaugalian na naming lumabas. Kung nasaan ang isa, naroon ang lahat. Minsan lang hindi nakakasama ang isa sa amin, lalo na kung abala ito o nasa ibang bansa at kasama ang pamilya kaya nabawi kami sa mga lakad kapag nakabalik o maluwag na ang oras.
Muli tumunog ang cellphone ko. Ipinatong ko sa mababang mesa ang tasa saka kinuha ang cellphone. Sumilay na naman ang ngisi sa aking mga labi nang mabasa ko ang sunod na mensahe ni Fabian.
From Fabian :
You're such a tease, my baberette. I miss you.
Ngumuso ako at muli nagtipa ng isasagot ko.
To Fabian :
I miss you too. How's your bonding with family? Later, baka aalis ako, alam mo na, baka magkaayaan kaming magpipinsan.
Then I hit send hanggang sa tuluyan na itong naipadala kay Fabian. Muli ko ipinatong ang telepono saka tumayo na ako mula sa couch na hindi mabura-bura ang ngiti sa aking mga labi. Dinalo ko ang terasa saka nakapameywang at lumanghap ng hangin. Pinagmasdan ko ang paligid. Malapit na mag-gabi. Ang tanging kasama ko lang naman ang mga maid pero inutusan ko ang mga ito na mag-grocery muna para makapagluto na din sila. Ipinatong ko ang mga braso ko sa railings and I leaned forward.
Habang tumatagal na talaga si Fabian sa bahay, umiiba na ito. Nawawala na ang mga nakasanayan ko noon. Ganito ba ang pakiramdam kapag may asawa ka na? Nararamdaman mo na hinahanap-hanap mo siya? Para bang hindi kompleto ang araw mo kapag hindi mo siya kasama o makita man lang? Kinakailangan na pagsilbihan mo siya at kahit pagod siya ay kinakailangan ka din niyang pagsilbihan?
I slowly released a sighs when I remember how baba really loves mama. Noon, ang buong akala namin ni Rowan ay wala kaming ama. Sa tuwing magtatanong kami kay mama kung nasaan ang tatay namin, bigo kami makakuha ng sagot mula sa kaniya. Sa halip ay ngiti lang ang natatanggap naming sagot. Para bang may tinatago siya sa amin. Hanggang sa nakilala namin si baba noong araw na naaksidente kami ni Rowan. Abot-langit ang pasasalamat ko dahil sa wakas, natupad na ang hiling namin ni Rowan—si Finlay Manius Ho, si baba, ang tatay namin... Ang first love ni mama. Ang lalaking pinakawalan ni mama sa kamay ng mahigpit na ipinagbabawal na tradisyon ng mga Chinese. Pero hindi nagpatinag sina baba at papa sa Grande Matriarch. Harap-harapan, ipinaglalaban nila ang pagmamahalan nila.
BINABASA MO ANG
Nice & Spice | Completed
RomanceLA HEREDERA SERIES #4 : Kahit minsan ay hindi sumagi sa isipan ni Sarette Ho na pumasok sa isang relasyon. Sapat nang makita niya ang mga kapatid na masaya ang mga ito sa buhay pag-ibig at buhay-may asawa na. Mas gugustuhin niyang unahin ang career...