Bachelor Stories Series 4: Maybe This Time

988K 11.4K 656
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this in any way. Please obtain permission from the author.

Started: October 2014-February 2015 (COMPLETED)

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Prologue

Sana lahat ng naghihintay, binabalikan.

"Ano na namang ginagawa mo rito?" Masungit na tanong ko sa lalaking kakapasok lang sa bahay namin. Prente siyang umupo sa sala namin habang nilalaro ang bola ng basketball na hawak n'ya. Naka-jersey uniform siya at nakasuot ng isang nike shoes. Marahil ay maglalaro na naman sila ng kapatid ko ng basketball.

"Dunno." Bored n'yang sagot sa akin at tsaka ipinatong ang mga paa n'ya sa maliit na lamesa sa may harapan n'ya.

"Ang kapal talaga ng mukha mo 'no? Hindi ka man lang marunong mahiya sa may-ari ng bahay." Naiinis kong sabi sa kanya.

"Bakit? Ikaw lang ba ang may-ari ng bahay na 'to?" Nanghahamon n'yang sabi sa akin.

"Kahit na! Dapat marunong kang mahiya kapag nasa bahay ka ng may bahay!" Naiinis ko pa rin na sabi sa kanya.

"Sus, ikaw dapat ang mahiya. Bisita ako dito kaya dapat inaalok mo ako ng kahit ano. Akala ko pa naman uso dito sa Pilipinas ang hospitality, hindi naman pala. Tss." Saad n'ya at tsaka ako inirapan.

"Umalis ka dito! Isusumbong kita kay Mommy kapag hindi ka umalis!" Sabi ko pa.

"Di magsumbong ka, samahan pa kita diyan eh." Sagot naman n'ya sa akin. May maid na lumapit sa kanya at inalagay sa harapan n'ya iyong orange juice na hiningi n'ya kanina.

"Nakakanis ka!" Singhal ko sa kanya.

"Sa gwapo kong mukha naiinis ka?" Nakangisi n'yang sabi.

"Ginagalit mo ba ako?" Nakasimangot kong tanong sa kanya. Pinakatitigan ko siya sa itim na itim n'yang mga mata at ganoon din ang ginawa n'ya. Ngumisi siya ng nakakaloko at tsaka sumagot sa tanong ko.

"Bakit naman kita gagalitin? Ang sabihin mo, kinikilig ka lang sa akin." Nakangisi niyang sabi sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon