Chapter Twenty

310K 6.8K 327
                                    

TWENTY

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Jeorge! Buti nakasama ka? Akala ko hindi ka na isasama ng gunggong na 'to!" Bungad sa amin ni Din pagkapasok namin sa loob ng malaking bahay ni na Axcel. Napalingon naman ako kay Travis na nilagpasan ako at pumasok sa loob ng bahay.

"Teka, bakit parang badtrip ang isang 'yon?" Kunot noong tanong sa akin ni Din habang sinusundan ng tingin si Travis.

"Hayaan mo lang, ganyan talaga siya magtampo at maglambing." Saad ko.

"Tara sa loob na tayo, nandoon na sila!" Nakangiti niyang sabi. Agad naman niya akong hinila papasok sa loob at nadatnan kong naroroon ang mga matatandang Montemayor. Nasa may sala sila at parang mayroon silang importanteng pinag-uusapan. Dumaan naman kami roon kaya agad akong bumati.

"Magandang hapon po." Magalang kong bati habang nakangiti. Ngumiti naman sila sa akin bilang sagot. Nakita kong naroroon si Tita L.A na buhat ang isang batang lalaki at katabi ni Tito Gian. Naroroon din si Tita Celestine na katabi si Tito Trav, si Tito Paul na katabi si Tita Jin at Tita Lilet, si Tito Arthur na nakaakbay kay Tita Sindy at ang huli, si Tito Levinn na mahigpit na hawak ang kamay ni Tita Freen. Kung titignan mo silang lahat, mamamahangha ka dahil halos lahat sila ay parang nakakatakot. Lalo na si Tito Levinn, na akala mo laging galit sa mundo pero kapag nagalit naman si Tita Freen, walang magawa.

Biglang napadako ang mga tingin ko sa pwesto ni Tito Trav at Tita Celestine. Ngumiti siya sa akin ng maluwag. Agad na naghumerantado ang puso ko sa kaba.

Shit, alam kaya nilang nililigawan ako ng manyak nilang anak? Gosh!

"You are the only daughter of Mr. Gerry Rivas, right?" Matatas na ingles na tanong sa akin ni Tito Arthur.

"Ako nga po." Nakangiti kong sagot habang tumatango. Ngumiti naman siya sa akin.

"You're beautiful, hija. You have grown up." Sabi naman ni Tita Celestine. Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.

Alam ko namang maganda ako pero kailangan pa bang sabihin 'yon sa harap ng iba? Nakakahiya kaya!

"Salamat po." Nakangiti ko pa rin na sagot.

"Alright Din, doon na kayo sa may garden at mayroon lang kaming importanteng pag-uusapan." Malumanay na sabi ni Tita Lilet. Tumango lamang si Din at tsaka kami dumiretso roon.

"I miss you, Jeorge!" Ani Heena at tsaka lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngi at ganoon din ang ginawa ko.

"Ang tagal nating hindi nagkita, busy much?" Sabi ko sa kanya sabay lingon sa pwesto ni Axcel na nakatingin sa likod niya.

"Sira!" Natatawa niyang sagot. Pumunta naman kami sa pwesto nila at nagsisimula ng mag-barbeque sila Xander, Symon at Shaun. Si Travis naman ay prenteng nakahiga sa isang mahabang upuan habang walang saplot sa damit.

"Bano naman maglaro 'yan si Ravis, pilingero naman 'yan!" Natatawang asar ni Xander kay Travis. Mabilis naman na lumipad ang middle finger ni Travis sa ere pero nakapikit pa rin siya.

"Nililigawan ka raw ni Ravis sabi ni Din." Saad ni Heena. Lumingon naman ako sa paligid at halos lahat ay nagkakasiyahan.

"O—Oo." Nahihiya kong sagot.

"Bumigay ka naman agad? Naku, Jeorge. Sinasabi ko sa'yo! H'wag kang papauto sa mga Montemayor." Sabi ni Heena habang umiiling. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Bakit? Nauto ka na ba ni Axcel mo?" Natatawa kong sabi.

"Hindi 'no! Asa pa siya!" Umiling na lamang ako bilang sagot.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon