Chapter Forty Eight

278K 6.5K 671
                                    

FORTY EIGHT

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Bigla akong napahinto nang dahil sa sinabi niya. Agad akong napalingon sa pwesto niya habang nakataas ang isa kong kilay.

"What did you say?" Magkasalubong na kilay kong tanong sa kanya. Narinig ko naman ang sinabi niya kanina pero gusto ko ulit iyong marinig.

"Which part of it you want me to repeat? Kiss and boyfried?" He shrugged his shoulders while grinning up at me. Muli akong lumapit sa kanya at tsaka mabilis na lumipad ang middle finger ko sa mukha niya. Ano'ng palagay niya sa akin? Gwapong-gwapo sa kanya? Hah!

"In your dreams, asshole." Mataray kong sabi sa kanya at tsaka ko siya tinalikuran, and I even flip my hair. Narinig ko lamang ang paghalakhak niya habang papasok ako sa loob ng bahay.

Nadatnan ko naman na nakahiga si Eugine sa sofa habang walang saplot na pang-itaas. Hawak-hawak niya ang kanyang cellphone at mabilis na nagpipipindot. Kumunot ang noo ko at agad na binalot ng kursinidad kung ano ba ang ginagawa niya.

"Another asshole." I muttered to myself and walks towards him.

"Where's Mom?" I ask.

"Shit." Gulat niyang sabi at tsaka mabilis na itinago ang cellphone niya. Napataas namang muli ang kilay ko dahil sa kanya. Tanghaling tapat, porn ang pinapanood?

"Dunno." Bored niyang sagot at tsaka muling humiga sa sofa. Inirapan ko lang siya at tsaka umakyat sa itaas. Wala talaga akong mapapala sa mga lalaking nasa paligid ko. Hindi ko alam kung bakit ba ako pinapaligiran ng mga lalaking puro kabastusan na lang ang alam sa buhay.

Pasalampak akong humiga sa kama ko ng makapasok ako sa kwarto ko. Nakaramdam ako ng pagod at sakit ng katawan dahil na rin sa pagsuswimming kagabi. Gusto ko pang magpahinga pero parang hindi naman ako makakatulog sa lagay kong ito. Pilit kasing bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari kagabi.

Hindi ko alam kung bakit ko ba nagawa ang mga bagay na 'yon sa kanya, dahil kahit kailan ay walang akong sinayawan na sinumang lalaki. I should be feeling embarrassed right now but I really felt nothing. I have already moved on and revenge is not an option. Hindi naman ako iyong tipo ng babae na magtatanim ng galit sa lalaki dahil lamang sa niloko ako nito. Kung lahat ng babae ay gagawin iyon, patuloy lamang na magkakaroon ng rason ang mga lalaki para saktan ang isang babae.

Girls must be in control of their bodies because boys are not, and all girls should know about this so we have a weapon to use in case of an emergency.

Nabali lamang ang pag-iisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at nakita kong unknown number iyon pero kilala ko kung sino. Sinave ko ang number niya sa cellphone ko.

Travis:

I already missed you, babe.

Napataas ang kilay ko ng wala sa oras sa text niyang iyon. At talagang kinareer niya ang pagiging boyfriend ko? Aba, napakapilingero naman niya!

Ako:

I was just kidding last night, you know.

Travis:

Really? Well, I'll make it real.

Pakiramdam ko ay ababot na sa kisame ang kilay ko dahil sa taas noon. Aba, ang kapal naman pala talaga ng pagmumukha niya? Lumipas na nga ang ilang taon pero wala man lang siyang pinagbago kahit konti. Maliban na lang sa yummy niyang katawan at mas gumwapo niya pang pagmumukha.

Ako:

Try harder, asshole. You won't fool me again.

Naghintay lamang ako ng ilang segundo at agad din siyang nag-reply. Mukha atang ginaganahan ang mokong na landiin ako.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon