FIFTY THREE
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
Ilang minuto akong naghintay sa labas ng bahay nila Travis. Hindi na alintana sa akin kung malamig ba o hindi, ang mahalaga ay makita ko siya ngayon. Marahan kong pinahid ang mga luhang kanina pa patuloy na tumatakas sa mga mata ko. Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Nanghihina ako sa nalaman ko at para bang gusto ko na lang biglang maglaho sa mundong ito.
Ang sakit, sobra.
Ang sakit na malaman na ang sarili mong ama ang may kagagawan kung bakit naging magulo ang lahat. Kung bakit naging komplikado ang mga simpleng bagay sa paligid mo. Isipin ko mang panaginip lamang ang lahat ng ito, pilit namang pumapasok sa isipan ko na totoo ito. Na hindi mali ang narinig ko at dapat kong tanggapin ang katotohanang ito.
Pero hindi ko kaya, hindi ko kayang tanggapin ang lahat ng ito. Mas gugustuhin ko na lamang ang mamatay kesa sa ganito. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Travis ang nalaman ko. Hindi ko alam, wala akong ideya dahil sa ngayon, gulong-gulo ang isipan ko. Ang mahirap mamili sa dalawa at ito ang pilit kong iniiwasan, ang mamili sa dalawan napakaimportanteng bagay sa iyo. Ang pamilya ko o si Travis?
"Jeorge?" Agad akong napalingon sa lalaking nagsalita sa may likuran ko. Walang sabi-sabi ko siyang niyakap ng mahigpit ng makita ko siya. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon ay umiyak.
"What happened, Jeorge?" Mahina niyang sabi. Bakas sa tono ng boses niya ang pag-aalala. Hindi naman ako sumagot at mahigpit ko lamang siyang niyakap. Alam kong hindi pa niya alam ang lahat ng ito, dahil kung alam na niya. Sigurado akong kamumuhian niya ako, sigurado akong magagalit siya sa akin. At iyon ang kinatatakot ko, ayoko mang aminin sa sarili ko pero alam kong mayroon pa akong nararamdaman para sa kanya.
Siya lamang ang lalaking minahal ko ng ganito at hindi mahirap ang mahalin ang isang tulad niya.
"Jeorge, tell me. What happened? Ayokong makita kang umiiyak." Nag-aalala niyang sabi. Inihiwalay niya ako sa kanya at tsaka pinakatitigan sa mga mata. He cupped my face and gently wiped my tears away.
"What's wrong? Tell me." He says in a very low voice. Pilit naman akong ngumiti sa kanya at tsaka umiling.
"I know there's something wrong, tell me. What is it?" Ani niya habang patuloy pa rin niyang pinapahid ang mga luha ko.
"Pwede ba ulit kitang yakapin?" Nagawa kong sabihin sa kanya. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko ng maramdaman ko ang muling pagtakas ng mga luha ko mula sa mga mata ko.
Bakas sa mukha niya ang pagtataka pero kahit na ganoon ay niyakap niya pa rin ako ng mahigpit. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakap, basta ang alam ko ay gusto ko lamang na nasa tabi ko siya. Na malapit lamang siya sa akin, na nandito lang siya at hindi siya aalis sa tabi ko.
Inaya niya akong pumasok sa loob ng bahay nila at doon ay pinatahan niya ako. Pilit niya akong tinatanong kung ano ba ang problema at kung bakit ako umiiyak. Tanging pilit na ngiti lamang ang nagagawa kong isagot sa kanya. Hindi na rin niya ako pinilit pang sabihin sa kanya kung ano ba ang problema ko. Inaya niya akong umakyat sa kwarto nila ni Shaun at tumango lamang ako.
"Nasaan si Shaun?" Mahina kong tanong sa kanya. Mag-isa lamang kasi siya roon at mukhang natutulog siya ng puntahan ko siya. Batay na rin sa suot niyang sando at boxer shorts at sa magulo niyang buhok.
"Mayroon silang camping ng mga barkada niya, three days and two nights." Sagot naman niya habang inaayos niya ang kama niya na medyo magulo.
"Pasensya na kung medyo magulo ang kwarto namin." Natatawa niyang sabi. Ngumiti naman ako sa kanya.