Chapter Two

442K 8.2K 416
                                    

TWO

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Jeorge, h'wag kang masyadong lalayo. Okay?" Paalala sa akin ni Mommy pagkapasok namin sa malaking entrada ng bahay nina Ravis. Mayroon kasi ngayong party sa kanila at imbitado ang mga magulang ko. Matagal na kasing magkakilala ang mga magulang ko pati na rin ang mga magulang ni Ravis kaya sa tuwing may party ay nagkikita kami.

Luminga-linga ako para hanapin sina Din. Panigurado kasi akong nandito sila, birthday kasi ngayon ni Ravis. Hindi naman ako nabigo at nakita ko silang nakaupo sa isang round table. Nakita ko si Din, Rissa, Xander, Symon, Shaun, Rissa, Aivan at Axcel kaya agad akong lumapit sa kanila.

"Hi Din!" Nakangiti kong bati sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at pinaupo ako sa tabi ni Xander.

"Akala ko hindi ka na makakapunta, nakakainis nga si Heena eh. Hindi siya pumunta kasi may lakad sila." Sabi sa akin ni Din pagkaupo ko.

"Akala ko pa naman nandito siya." Nakanguso kong sagot sa kanya. Luminga-linga naman ako para hanapin si Travis pero hindi ko siya makita.

"Nasaan si Ravis?" Tanong ko sa kanila.

"Malay ko." Masungit na sagot ni Axcel sa akin. Si Xander at Symon naman ay parang hindi narinig ang tanong ko.

"Nasa kwarto n'ya ata." Sagot ni Din sa akin. Paano ko mababati ang pangit na 'yon kung nasa kwarto siya? Hindi ba dapat nandito siya sa baba? Siraulo talaga 'yong Ravis na 'yon.

"Gusto mo puntahan natin siya sa taas? Hindi ko pa kasi siya nababati." Sabi ko kay Din.

"Ikaw na lang, nabati ko na siya kanina. Hintayin na lang kita dito." Sagot naman niya sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako at tsaka tumayo. Pumasok ako sa loob ng bahay nila at umakyat sa taas. Kilala naman kasi ako nang mga maids nila kasi lagi kaming magkakasama kaya ayos lang siguro sa kanila.

Hindi na ako kumatok at dirediretso akong pumasok sa loob ng kwarto ni Travis. Nadatnan ko siyang walang suot na pang-itaas at may kausap sa telepono n'ya. Napataas ang kilay ko sa nadatnan ko.

"What the hell are you doing here in my room?" Masungit n'yang tanong sa akin.

"Dinadalaw ka." Kaswal at simple kong sagot.

"Babe, I'm gonna call you later. Bye." Rinig kong sabi niya bago ibaba ang telepono. Napataas naman ang kilay ko. Ang landi talaga ng lalaking 'to kahit kailan.

"Bawal ang pangit dito sa kwarto ko." Sabi n'ya sa akin tsaka humiga sa kama n'ya.

"Di pwede pala ako dito? Hindi naman kasi ako pangit." May kumpiyansa kong sabi sa kanya. Ginawa naman n'yang unan iyong dalawa n'yang kamay kaya lumantad ang makinis at maputi n'yang kili-kili. Maraming beses ko nang nakitang nakahubad si Travis kaya hindi na ako naiilang na makita siyang ganito. Minsan pa nga naka-brief lang siya kapag maliligo kami sa swimming pool nina Axcel eh.

"Hindi pa rin, maliit boobs mo eh." Sabi n'ya sabay tingin sa may dibdib ko. Inirapan ko lang siya. Sanay na naman kasi ako sa kanya.

"Bakit ayaw mong bumaba? Birthday mo ah." Sabi ko sa kanya sabay upo sa may dulo ng kama n'ya. Tinignan ko naman ang paligid ng kwarto n'ya na panay designs ng mga bahay, airplaine, buildings at kung anu-ano pa.

"Boring. Hindi na naman ako seven years old na kailangan pang mag-party." Walang gana n'yang sabi sa akin.

"Kahit na, dapat naroroon ka pa rin sa baba. Nakakahiya sa mga bisita mo." Kaswal kong sabi sa kanya. Tumayo naman ako para tignan ang mga pictures n'ya sa may gilid. May mga trophy rin at medals na marahil ay napanalunan n'ya sa pagbabasketball o hindi naman kaya ay mga awads n'ya sa school.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon