FORTY FOUR
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
"You are leaving?"
Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa may likuran namin. Agad na nawala ang ngiti ko ng makita ko siya. Galit at pagkamuhi ang nangingibabaw ngayon sa sistema ko ng dahil sa kanya. Pilit kong hinahanap kung nasaan na ba iyong dati kong nararamdaman para sa kanya, kung nasaan na ba iyong pagmamahal na nararamdaman ko noon sa tuwing magkasama kaming dalawa. Pero kahit ano'ng gawin ko, hindi ko mahanap-hanap dahil ngayon, galit ang nangingibabaw sa buo kong sistema.
"Well, kung ako rin naman siya, mas pipiliin ko na lang din ang umalis kesa naman 'yong maghabol pa ako kahit na alam kong hindi na babalik sa akin 'yong lalaking mahal ko, hindi ba? Nakakahiya rin kaya na basta ka na lang ipinagpalit ng akala mong lalaking mahal ka." Umakyat ang dugo sa ulo ko sa sinabi ni Madonna sa akin na ngayon ay nakalingkis sa braso ni Travis. Ngumiti pa siya ng abot tenga na para bang mas lalo niya akong ginagalit.
Pilit kong itinago ang galit ko kahit na alam kong kahit anong oras ay sasabog na ako. Tinuran ako ng mga magulang ko na h'wag pumatol sa mga mababang klase ng tao at hinding-hindi ko ibaba ang lebel ko sa kanila.
"Jeorge, let's go. Hindi natin dapat pinapatulan ang mga aso, dahil baka mamaya ay bigla na lang 'yan mangagat at mukha pa namang walang turok 'yan." Sabi ni Din sa akin at alam kong sinadya niyang iparinig iyon kay Madonna. Tumalikod na kami pero napatigil ako ng biglang magsalita si Madonna.
"Bakit? Natatakot ka bang tanggapin ang katotohanan na ginamit ka lang niya? Isipin mo nga, Jeorge. Kung mahal ka talaga ni Travis, hindi ka niya iiwan. Pero ano? Iniwan ka niya kasi hindi ka naman niya mahal at hindi ka niya minahal. Sadyang tanga ka lang at naniwala ka agad sa mga sinabi niya. Nakakaawa ka nga eh, siguro nag-iiyak ka lang sa sulok habang nag-assume na babalikan ka pa ng lalaking kahit kailan ay hindi ka naman minahal." Hindi na ako nakapagpigil sa sinabi niya sa akin. Tila ba umakyat lahat ng dugo sa ulo ko sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon.
Oo, nagpakatanga ako sa kanya pero wala siyang karapatan na ipamukha sa akin ang pagiging tanga ko.
I turned around to face them wearing an impassive face. I am going to say it once again, I can be bitch whenever I wanted to be. Hindi ako ipinanganak sa mundong ito para tapakan lang ng kung sinong tao na hindi ko alam kung tao nga ba. Pinalaki akong matapang kaya lalaban ako hangga't alam kong kaya ko.
"Madonna, stop it." Mariing wika ni Travis pero mukhang ayaw magpaawat ni Madonna sa kakainsulto sa akin dahil nakipagtitigan pa siya sa akin.
Hinding-hindi ko siya aatrasan at ipapakita ko sa kanya kung sino ba si Jeorge Rivas.
"Alam mo bang hindi ako napatol sa mga hayop dahil natatakot ako na makasuhan ako ng animal abuse?" I lifted a brow and smirks at her. Nakita ko namang nagsalubong ang mga kilay niya.
"Sinasabi mo bang hayop ako?" Gigil niyang tanong sa akin. I step forward to them looking at her, fiercely. I saw her swallowed hard. She's scared? Dapat lang. I muttred to myself.
"Hindi ba?" Nakangisi kong sabi. Akmang sasampalin niya ako ng mahawakan ko ang pulso niya at inunahan ko siya.
I slapped her, hard.
Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid ko at gusto kong akalain na nasa isa akong teleserye at ako ang bida na pilit na inaapi nang kontrabidang babae. Ang mali nga lang, hindi marunong magpaapi ang bidang babae sa storya ko.
"Jeorge, stop—" Hindi ko na rin siya pinagsalita dahil mabilis na lumapat ang palad ko sa pagmumukha niya. Marami nang tao ang nakapalibot sa amin at wala man lang ang nagtangkang umawat sa amin.