TWENTY NINE
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
"Pumasok naman talaga ako ah! Hindi naman ako nagcutting classes, itanong mo pa kay Ramesis!" Mariing giit ni Shaun sa Daddy niya. Nasa hapagkainan kami at kasalakuyan kaming kumakain ng hapunan.
"Tinatanong pa lang kita, wala pa akong sinasabi na hindi ka pumasok." Kalmado namang sabi ni Tito Trav habang umiiling. Gusto ko tuloy matawa sa kanila, ang close lang nila sa isa't-isa.
"Ikaw, Travis?" Baling ni Tito Trav kay Travis na kanina pa kain ng kain.
"Good boy pa rin, Daddy." Sagot niya. Napataas naman ang kilay ko, kailan pa siya naging good boy?
"Ikaw, hija? Kamusta naman si Travis sa'yo? Lagi ka bang ginugulo?" Ani Tita Celestine. Ngumiti naman ako at tsaka ako tumingin kay Travis na parang walang pakielam sa mundo at panay lang ang subo ng kanin.
"Ayos naman po, hindi naman po ako ginugulo nang anak n'yo. Mabait naman po siya, hindi nangangagat." Natatawa kong sabi. Tumawa rin si Tita Celestine at si Tito Trav. Jusko, bakit ang babait ng mga magulang ni Travis samantalang siya, may sa demonyo ang ugali?
"Mabuti naman, akala ko ginugulo ka nitong makulit na 'to. Alam mo naman ang ugali niyan, pagpasensyahan mo na lang minsan." Sabi pa ni Tita Celestine. Si Tito Trav naman ay tahimik lang na nakikinig sa amin habang kumakain.
"Sanay na naman po ako sa ugali ni Travis, Tita." Nakangiti kong sagot. Pakiramdam ko, ang bait bait ko kapag kausap ko si Tita Celestine. Ang bait kasi niya, ang hinhin tapos si Tito Trav medyo bad boy look tapos masungit pa.
"Buti nga nasanay ka na sa ugali niya, may iba kasi na hindi talaga niya makasundo at malalaman ko na lang na ipapatawag ako sa school nila at may reklamo na para sa kanya." Natatawang kwento ni Tita Celestine. Nag-angat naman ng tingin si Travis.
"Mommy, you shouldn't tell her that!" Reklamo niya. Sinipa ko naman siya sa ilalim ng lamesa. Gago 'tong lalaking 'to! Sigawan ba naman ang Mommy niya!
"Sorry, Mommy." Parang batang sabi niya.
"Bakit nahihiya ka? Ang laki-laki mo na, nahihiya ka pa rin. Eh dati naman naliligo kayo sa pool na nakabrief ka lang." Ani Tita Celestine. Hindi ko naman napigilan ang hindi mapatawa.
"That was very embarrassing, Kuya." Natatawang sabi ni Shaun. Sinamaan naman ni Travis ng tingin si Shaun. Napangiti lang ako sa kawalan.
Ganito ang gusto kong pamilya kung sakaling magkakaroon ako ng asawa't anak. Iyong tipong malapit ang mga magiging anak ko sa akin pati na rin sa magiging Daddy nila. Wala sa sariling napatingin ako kay Travis na nakangiting nakatingin sa Mommy niya.
If ever he's the one that God sent for me. I will be willing to take a risk no matter what happen. I know Travis, he is a totally jerk but I have seen him how serious he was when it comes about important matters. He doesn't care about his surroundings, he only cares about himself, about the matters he's involve at, but I know that one day, someone will make him realize how beautiful the world is.
Natapos kaming kumain at umakyat na sina Tita Celestine at Tito Trav sa itaas para magpahinga. Si Shaun naman ay may kausap sa telepeno kaya naiwan kami ni Travis sa may sala.
"Do you want to see our garden? It's my favorite place here." He said while smilling really wide. I nod for an answer.
Tahimik kaming pumunta roon at namangha ako sa ganda ng garden nila, dati naman kasi hindi ganoon kaganda iyon pero ngayon. Puno ito ng mga bulaklak na mayroong iba't-ibang kulay. Ang ganda!