Chapter Twenty Five

272K 6.5K 423
                                    

TWENTY FIVE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Tang ina n'yo!" Galit na sigaw ni Xander kina Axcel na walang tigil sa pagtawa dahil sa nangyari kanina. Kadarating niya lang mula sa loob at wala pa rin hanggang ngayon si Travis na malamang ay pinapagalitan pa rin hanggang ngayon. Marami kasi ang nakakita nang suntukan nilang dalawa at karamihan ay mga kamag-anak nila.

"What did Tito Levinn told you? Sinapak ka ba?" Humahalakhak na saad ni Din. Nagsitawanan din naman sila at walang nagawa si Xander kung hindi ang sumimangot.

"Nananahimik ako tapos pagtitripan n'yo ako! Mga gago kayo!" Naiinis na pa rin na sabi niya.

"Kamusta na si Travis sa loob? Gago siya, lagot siya ngayon kay Tito Levinn tsaka kay Tito Trav. Minsan, nagtataka ako kung pinsan ba natin talaga 'yon o hindi. Ang bobo kasi!" Ani ni Din.

"Slow lang talaga siya." Sabat ko naman. Napalingon naman ako kay Heena na mukhang naasar habang kausap si Axcel. Busy namang nag-uusap si Felice at Rissa pati na rin si Alex.

"Pulos kasi babae't basketball ang laman ng utak! Hindi ko nga 'yon nakitang nag-aral o nag-review man lang tuwing may exam. Takot nga ata 'yon si Kuya sa libro!" Natatawang sabi ni Shaun. Nagsisimula na silang mag-inuman at nakakarami na rin sila. Mga hard at smooth lang ang iniinom nila. Si Din, Heena at Felice ay nag-iinom din, kaming dalawa lang ata ni Rissa ang hindi nag-iinom na busy naman sa pagkakalikot ng cellphone niya.

"Kailan tayo dadalaw sa Rancho? Ano ba balita sa Rancho, Aivan? Taong bukid ka naman hindi ba?" Sarkastikong sabi ni Xander kay Aivan na tahimik lang sa gilid.

"Fuck you, dude." Natatawang sagot ni Aivan. Minsan, napakamisteryo nitong si Aivan. Mas gusto pa kasi niya sa Rancho kesa sa syudad. Balak atang sundan ang yapak ng Daddy niya.

"O ayan na pala si Travis eh!" Biglang sigaw ni Allen. Napalingon naman kami kay Axcel na hindi na maipinta ang mukha sa sobrang pagkasimangot. Umupo siya sa tabi ko at hindi na naman nila napigilan ang hindi mapatawa.

"Ano ka ngayon? Di naisahan ka ni Tito Levinn!" Saad ni Din at tsaka niya tinawanan si Travis.

"Ano ginawa sa'yo, Ravis?" Tanong ni Axcel. Sinamaan naman niya ng tingin si Axcel.

"Tang ina mo! Muntik na akong bugbugin ni Daddy dahil sa inyo! Kung hindi lang umawat si Mommy at Tita Freen, di sana bugbog sarado na 'tong mukha ko!" Inis na sigaw ni Travis sa kanila. Nilingon ko naman siya at tsaka ko biglang hinawakan ang kamay niya.

"Pinapatulan mo pa kasi kaya ka inaasar!" Suway ko sa kanya tsaka ko piningot ang tenga niya. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumimangot. Tinignan ko naman ang mukha niya na puro galos.

"Tara, doon tayo sa kwarto mo at linisin natin 'yang sugat mo sa mukha." Sabi ko at tsaka ko siya hinila patayo.

"Oy, saan kayo pupunta? Mag sosolo kayo ha!" Pang-aasar ni Xander. Mabilis namang lumipad ang dirty finger ni Travis sa ere.

"Wala ka ng pakielam, gago!" Sigaw ni Travis. Binatukan ko naman siya agad.

"Sabing h'wag ng papatulan! Ang kulit!" Iritable kong sabi sa kanya. Hinila ko na siya papasok sa loob at doon ay nadatnan namin ang mga matatandang Montemayor na mga nag-uusap.

"Uhh, Tita. Aakyat lang po kami sa itaas, lilinisin ko lang po ang mga sugat nitong makulit n'yong anak." Nakangiti kong sabi kay Tita Celestine. Dumako naman ang tingin ko kay Tito Levinn na seryosong nakatingin sa amin. Agad akong nag-iwas ng tingin, nakakatakot kasi siyang tignan. Baka mamaya, bigla na lang kaming kagatin.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon