Chapter Thirty Six

263K 6.3K 370
                                    

THIRTY SIX

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Jeorge, mahal na kita." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niyang iyon. Nararamdaman ko ang paghuhurementado nang puso ko. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng napakalamig na tubig at hindi ako makagalaw ng dahil sa sinabi niya. Pilit kong ipinapasok sa isipan ko ang sinabi niya kanina.

Mahal ako ni Travis.

"Alam kong baka hindi mo ako paniwalaan, kasi kilala mo ako. Halos sabay na tayong lumaki at alam mo ang ugali ko pero nagsasabi ako ng totoo. Mahal na kita kaya ko nagagawa ang mga bagay na 'to na hindi ko naman dati ginagawa sa mga dati kong babae, sa'yo lang. Alam kong alam mo na hindi ako mahilig magseryoso sa isang relasyon pero handa akong maging seryoso kung bibigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka. Hindi ko kayang hindi magpanggap na hindi kita mahal dahil sa tuwing hindi mo ako pinapansin, nasasaktan ako. Nasasaktan ako lalo na kapag may ibang lalaking umaagaw ng atensyon mo, nasasaktan ako kapag hindi mo ako kinakausap o binibigyan man lang kahit na kaunting atensyon. Nasasaktan din ako lalo na kapag nasasaktan ka. Tang ina naman, ang hirap mainlove." Seryoso niyang sabi at narinig ko rin ang huli niyang sinabi kahit sobrang hina ng pagkakasabi niya. Hindi ko alam pero ang kaninang kaba na nararamdaman ko ay unti-unting napalitan ng saya. Mas niyakap ko ang bear na ibinigay niya at hindi na ata maaalis ang ngiti sa mga labi ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, ang maging sobrang saya ng dahil sa isang lalaki at hindi ko maisip na si Travis ang dahilan noon.

"Tapos ka na?" Tanong ko sa kanya. Pinipigilan kong tarayan siya, baka kasi magalit kapag tinarayan ko. Mukhang nasa mood pa naman siya.

"Oo." Mahina niyang sabi. Ang ikli naman ng speech niya tsaka bakit siya sa phone nag-confess? Ang korny ha!

"I want to see you, punta ka rito." Sabi ko sa kanya. Tignan natin kung hanggang saan ang lakas ng loob mo, Montemayor.

 

"H—Ha? Gusto mo ako makita? Sige wait lang, hintayin mo ako diyan. Mga six minutes." Ani niya at tsaka naputol ang linya. Humiga lang ako sa kama ko na puno pa rin ng bulaklak na galing sa kanya. Tinignan ko ang mukha ng puting bear na yakap ko at agad kong naisip si Travis.

"Alam mo baby Montemayor, minsan ang cute ng amo mo sa paningin ko. May pagkatanga lang talaga siya pero okay lang, nagagamot naman ang katangahan." Sabi ko. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil pati ba naman bear pinatulan ko na? Baliw na ata ako.

"Tapos minsan, ang kulit pa niya pero ngayon ko lang nalaman na ang sweet pala ng amo mo 'no? Siya kaya nagbigay sa'yo sa akin tsaka nitong mga bulaklak. Ang cute-cute niya nga kapag namumula 'yong mukha niya kapag kinikilig siya. Halatang ayaw ipakita sa akin, ganoon ba talaga ang mga boys?" Sabi ko pa. Inamoy ko ulit si baby Montemayor at naamoy ko ang pabango ni Travis. Gustong-gusto ko talaga ang amoy niya dahil hindi iyon matapang hindi tulad ng ibang pabango ng lalaki na sobrang tapang. Kapag nga katabi ko siya, inaamoy ko siya miski kili-kili niya ay inaamoy ko rin kasi nga ang bango bango niya. Ayos lang naman daw 'yon sa kanya, kasi nasasarapan daw siya kapag inaamoy ko ang katawan niya.

Nakarinig ako ng pagkatok sa labas ng kwarto ko kaya tumayo ako. Binuksan ko iyon at nakita ko si Eugine iyon na nakasimangot ang mukha.

"Ate 'yong boyfriend mo nasa labas, hinahanap ka." Mahina niyang sabi. Sino'ng nagsabing boyfriend ko siya? Iyong unggoy na ba 'yon?

"Paakyatin mo, sabihin mo bilisin niya." Saad ko. Hindi na sumagot ang kapatid ko at bumaba na ulit. Maya-maya lang ay nakarinig na ako ng katok at sigurado akong si Travis na iyon.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon