Chapter Nineteen

300K 6.5K 433
                                    

NINETEEN

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Are you sure you're okay? You really look pale, babe." Travis says simply. Concern was written all over his face while looking at me. His face looks really soft and if it's a normal day, I would laugh at him. Unfortunately, it's not.

"I'm okay, Travis. I just—ughh." I bit my lower lip again when I felt the pain in my tummy. Damn this period!

"You don't look okay, Jeorge. Gusto mo bang iuwi na kita sa bahay ko? Tsaka bakit pa kasi n'yo 'yan nararanasan? Pwede namang hindi." Iritable niyang sabi sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"And why would you take me to your home? I can manage myself, Travis. Tsaka buwan-buwan namin itong nararanasan kaya h'wag kang magreklamo kung may problema kayong mga lalaki!" Mariin kong saad sa kanya at tsaka ko siya inirapan. Kinalkal ko naman agad ang bag ko para tignan kung mayroon pa akong dalang pad. Bakit ba kasi ngayon pa ako dinatnan? At ang masama pa, kasama ko pa ang lalaking 'to!

Halos manlumo naman ako ng makita kong wala na akong extrang dala. Agad naman akong nag-angat ng tingin kay Travis at kita ko namang concern na concern siya sa akin.

"You've said you'll do anything for me, right?" Ani ko sa kanya. Tumango naman siya sa sinabi kong iyon.

"Oo, gagawin ko. Ano ba gusto mo? Sisipsipin ko ba 'yan para mawala? O hahalikan kita?" Pilyo niyang sabi. Sinamaan ko naman siya ng tingin at agad siyang sinipa. Mahina lamang siyang tumawa.

"Mandiri ka nga, Travis! Iyang mga naiisip mo, pang hindi normal na tao!"

"Normal naman ako, grabe ka. Ano ba gusto mo? Sabihin mo lang. Ako ba?" Nakangisi niyang sabi.

"Bago ka pa mag-isip ng kung anu-ano, ibili mo na lang ako ng napkin diyan sa may convenience store sa tapat ng school." Diretso kong sabi sa kanya. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang kanyang mga labi sa sinabi kong iyon.

"What?!" Matigas na ingles niyang sabi.

"You heard me right, Travis. Buy me some napkin." Muli kong sabi. Napangiti tuloy ako bigla ng maisip kong bumibili siya ng napkin. Ano kaya itsura niya?

"M—Me?" Hindi makapaniwala niyang sabi.

"Sino pa ba? May katabi ka bang hindi ko nakikita para utusan ko? Bilisin mo na at kanina pa nasakit ang puson ko!" Sabi ko sa kanya at umarte pa akong medyo namimilipit sa sakit. Hindi naman nasakit ang puson ko kapag nagkakaroon ako, ngayon lang at tyempo pang kasama ko ngayon ang unggoy na 'to.

"Okay, okay! Just wait me here, I'll buy you some napkin." Sabi niya at tsaka tumalikod. Narinig ko pa ang iilang mura niya habang lumalakad siya palayo sa akin.

"So adorable." Bulong ko sa sarili ko habang nakangiting tinatanaw siya. 

I felt again the sudden strike of pain in my tummy. I really want to go home right now but I can't, we have still one class this afternoon and I don't want to mark as an cutting to that subject. I am very grade conscious and everyone knows about that.

Naghintay ako ng ilang minuto sa kanya at hindi naman siya nagtagal dahil agad din siyang bumalik. May dala pa siyang dalawang gatorade nang bumalik siya.

"Ito na 'yong napkin mo tsaka ibinili na rin kita ng gamot sa may drug store diyan sa tabi." Sabi niya sa akin. Napaangat naman ang kilay ko, nagpapaimpress ang mokong. Agad ko namang kinuha ang pad na binili niya.

"Thanks, hintayin mo na lang ako sa rito sa labas. Okay?" Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya kaya agad akong pumasok sa loob.

Nang matapos ako ay nadatnan ko siyang umiinom sa gatorade niya habang pinaglalaruan ng isang kamay niya ang cellphone niya. Agad siyang lumingon sa akin at iniabot iyong isa pang gatorade.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon