FIFTY EIGHT
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
Mabilis niyang iniwas ang mukha niya ng tangkain kong gamutin ang sugat niya sa mukha. Nakita ko kasi iyong dumudugo at may kalakihan ang sugat niya kaya hindi ko dapat iyon balewalain.
"K—Kanina pa nagdudugo ang sugat mo, gagamutin ko lang." Mahina kong sabi sa kanya at muli kong sinubukan na linisin ang sugat niya. Akmang iiwas siya ng hindi ko mapigilan ang hawakan ang mukha niya at iharap iyon sa akin.
Naramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente sa buo kong sistema ng magdikit ang mga balat namin. Bumilis ang pintig ng puso ko at wala sa sariling napatitig ako sa mga mata niya. Nakatitig lamang kami sa mata ng isa't-isa at pakiramdam ko ay bigla na lamang akong hihimatayin kung makikipagtitigan pa ako sa kanya.
Nag-iwas ako ng tingin at kinuha na lamang ang bulak na mayroong betadine. Marahan ko iyong idinampi sa pisngi niya at dahan-dahang nilinis ang sugat niya. Walang emosyon ang mukha niya at diretso lamang siyang nakatingin sa akin habang ang mga mata ko naman ay nakatuon sa sugat niya.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay matutunaw ako sa mga tingin na ibinibigay niya sa akin. Hindi rin ako mapakali dahil sobrang tahimik ng paligid namin at wala man lang ang isa sa amin ang nagsasalita. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung ano ba ang una kong sasabihin sa kanya. Hanggang ngayon ay alam kong galit pa rin siya sa akin. Alam ko iyon dahil iyon ang ipinapakita niya sa akin.
He's being cold towards me and I am weeping inside because of it. Hindi ako sanay na ganoon ang pakikitungo niya sa akin at hindi ko alam kung kailan ba ako masasanay sa ganito. Naiiyak ako pero pinipigilan ko dahil ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan ako dahil natatakot akong mabalewala. Natatakot ako na malaman na wala na siyang pakielam pa kung masaktan man ako o hindi.
"O—Okay na." Sabi ko sa kanya ng malagyan ko na ng band-aid ang sugat niya. Agad naman siyang tumayo pagkasabi ko noon. Tumalikod siya sa akin at akmang papasok na siya sa loob ng bigla siyang tumigil.
"Sleep in my room, I'll wait." Nakatalikod niyang sabi sa akin at tsaka siya dumiretso sa kwarto niya. Napasinghap naman ako sa sinabi niyang iyon. Bakit gugustuhin niyang matulog ako sa kwarto niya kung pwede naman akong matulog na lang dito sa sofa niya?
Pakiramdam ko ay lumukso ang puso ko sa pag-iisip na mayroon pa rin siyang pakielam sa akin. Hindi ko mahulaan kung ano ba ang takbo ng isip niya, I couldn't precdict what's on his mind because his actions are just limited.
I sighed.
I made a mental note to talk to him tomorrow. Papalipasin ko muna ngayon ang gabi para pareho kaming handa kinabukasan kapag nakapag-usap na kami. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at dumiretso sa may sink upang maghilamos. Ilang beses din akong humarap sa salamin at pilit na pinakalma ang sarili ko.
"You'll just sleep with him, Jeorge. Nothing else." Sabi ko sa sarili ko habang nakaharap ako sa salamin.
Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa kwarto niya. Nadatnan ko siyang nakahiga na sa kama niya at nagulat din ako ng makita kong wala siyang saplot na pang-itaas.
He's still the same, Jeorge. He always sleeps wearing nothing but just a pice of cloth covering his private area! Umiling ako dahil sa mahinang boses sa isipan ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kama at humiga sa tabi niya. Nasa kabilang bahagi siya ng kama at sa tingin ko ay natutulog na siya. Naririnig ko ang mumunti niyang paghilik habang nakatalikod siya sa akin. Nagkumot ako at tumalikod din sa kanya.
Matagal akong nasa ganoong posisyon pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Muli kong ipinikit ang mga mata ko pero mukha pa rin niya ang nakikita ko. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nakatalikod pa rin siya sa akin at mahinang humihilik.