Chapter Twenty Seven

266K 6.4K 314
                                    

TWENTY SEVEN

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Pinagalitan ang mga boys noong nakaraang gabi." Sabi sa akin ni Din habang kumakain kami ng macaroni sa cafeteria. Nandoon din si Rissa at Felice na pareho ring kumakain.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko. Noong umuwi naman kasi ako, maayos silang lahat. Nagkukwentuhan at nag-iinuman lang naman sila.

"Naglaro ang boys, nagtulakan sa pool, sumuka, at ang malala. Naghubad silang lahat tapos naghabulan sa buong bahay. Ayon, nakita ni Tita Freen tapos pinagalitan silang lahat. Sayang nga eh, hindi ko nakuhanan ng video. Nalowbat kasi ang phone ko." Natatawang kwento ni Din. Hindi ko naman naimagine ang mga ginawa nila. Alam kong mga loko-loko at mga pilyo silang lahat, pero hindi ko naman maisip na maghubad silang lahat at maghabulan sa buong bahay.

"Mga isip bata talaga." Sagot ko.

"Oo, tawa nga ako ng tawa nang gabing 'yon. Biruin mo, panay mga nakabrief lang silang lahat tapos naghahabulan. Nag-wrestling silang lahat at ang iingay pa. Buti na lang talaga tulog na si Tito Levinn noon, lasing din kasi. Hindi ko nga mapigilan ang tumawa nang pagilitan sila ni Tita Freen habang mga nakabrief lang. Kung nandoon ka lang talaga, matatawa ka!" Natatawa pa rin niyang sabi.

"Kasali 'tong lalaking 'to?" Sabi ko sabay nguso sa katabi kong natutulog.

"Oo, si Ravis pa! Eh gago rin 'yang isang 'yan." Saad niya. Tinignan ko naman si Travis na tulog na tulog sa tabi ko. Puyat ata siya kagabi dahil nag-aral daw siya para sa long test namin kanina. Kailangan na raw niyang mag-aral para sa future naming dalawa.

"Pinagalitan naman sila noong nag-umaga na?" Tanong ko. Lumingon naman ako sa pwesto ni Rissa at Felice na nag-uusap sa kung ano. Marahil ay tungkol na naman sa mga lalaki.

"Hindi na, alam mo naman 'yang mga 'yan. Malakas pag dating kay Tita Freen. Basta sabi ni Tita Freen, h'wag na raw mauulit. Kung hindi, sa Rancho silang lahat magbabakasyon." Sabi ni Din sabay subo ng kutsara niya. Tumango lamang ako at sumubo na rin. Gusto ko sanang gisingin si Travis sa gilid ko pero hinayaan ko na lang siyang matulog. Alam ko naman kasing firstime niya lang mag-aral at achievement niya 'yon para sa sarili niya.

"Saan n'yo nga pala balak mag-aral? Graduating na kayo Felice, hindi ba?" Tanong ni Din kay Felice. Kasing tanda lang ni Din sina Axcel pero late siyang nag-aral, masyado kasing naging komplikado ang buhay nila noon sa states kaya nagkaganoon.

"Nag-entrance exam na kami sa mga schools sa Manila. Balak namin ni Heena na iisang school na lang. Ikaw, Jeorge? Isang taon na lang, graduate ka na rin ah? Ano kukuhanin mong course?" Tanong naman ni Felice.

"Political Science ang kukuhanin ko pero hindi ko pa alam kung saan akong school." Sagot ko naman.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa umalis na rin silang tatlo. Mayroon pa raw kasi silang klase.

Nilingon ko naman ang katabi ko na ang himbing pa rin ang tulog. Aba, ginagawa ata niyang tulugan ang paaralan?

"Montemayor, gumising ka na." Sabi ko at marahan kong tinapik ang pisngi niya. Dahan-dahan naman siyang nagmulat ng mata.

"Bakit?" Iritable niyang tanong. Napataas naman ang kilay ko ng wala sa oras. Aba, may gana pa siyang magalit?

"Kumain ka na, binilhan kita ng lunch." Sabi ko sa kanya. Tuluyan naman siyang nagising at tsaka tumingin sa pagkain na inilapag ko sa harapan niya.

"Ang sarap talagang matulog." Ani niya habang kinukuha ang kutsara't tinidor.

"Anong oras ka ba natulog kagabi?" Kunot noong tanong ko.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon