TWENTY FOUR
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
"Mag-iinom kayo?" Kunot noong tanong ko kay Travis. Birthday ngayon ni Shaun at nandito kami sa bahay nila. Hindi naman malaki ang handaan at mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lang ang imbitado. Ayaw kasi ni Shaun ng malaking handaan, hindi na naman daw siya bata para maghanda ng ganoon.
"Oo, valid naman daw na mag-inom kami ngayon sabi ni Tito Levinn." He answered. I narrowed my eyes on him.
"Duda akong mag-iinom ka lang, baka mamaya n'yan manigarilyo ka na naman!" Inis kong sabi sa kanya. Ayos lang naman kasi sa akin ang manigarilyo siya pero dinadalasan kasi niya at baka mamaya n'yan maaga siyang mamamatay!
"Isa lang." Sagot niya.
"Isa lang, kapag ikaw namatay ng maaga d'yan! Makikita mo, Montemayor. Ako pa mismo ang papatay sa'yo ng sobrang aga!" Naiinis kong sabi sa kanya. Isinumbong kasi siya ni Shaun sa akin na naninigarilyo siya kapag wala ako, kaya nagalit ako sa kanya. Oo nga, hindi pa naman kami pero ayoko namang mangitim ang labi niya sa kakasigarilyo niya. Lips niya na nga lang ang pinakapaborito kong tignan sa kanya, sisirain pa niya. Ang pula kaya ng labi niya kahit wala siyang lipstick.
"Oo na hindi na, pasok na tayo sa loob. Gusto ka raw makausap ni Mommy. Ipapakasal na ata ako sa'yo, kasi sabi ko ikaw na lang ang iregalo niya sa birthday ko." Nakangisi niyang sabi. Inirapan ko naman siya.
"Hindi mo ako madadaan sa pagpapacute mo, Montemayor. Tigil-tigilan mo 'yang bisyo mo, ayos na 'yong alak lang h'wag lang ang sigarilyo." Sabi ko sa kanya.
Pumasok na kami sa loob at agad naman kaming sinalubong ng ingay na nagmumula sa malaking speaker na nasa gilid. Naroroon na sila Din, Heena, Felice, Rissa, Axcel, Aivan, Xander, Symon, Allen, Allen at ang birthday boy na si Shaun. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Travis sa kamay ko. Hindi ko na pinansin iyon dahil sanay na naman ako sa kanya. Ilang buwan na rin kasi ang lumipas simula ng ligawan niya ako at sanay na ako sa presensya niya.
"Buti naman nakarating ka! Babalatan ko na sana itong si Ravis kanina eh." Sabi ni Din sa akin. Nagbeso lang kaming mga babae at tsaka ako umupo sa tabi ni Heena. Sa kabila ko naman ay si Travis na kausap ni Xander.
"Ang dami rin pala nilang kamag-anak at kaibigan sa mother side, 'no?" Ani Heena. Tumango naman ako at tsaka ko inilibot ang paningin ko sa mga bisita. Tama nga, marami rin silang kamag-anak sa ibang side. Malaki rin naman kasi talaga ang angkan ng mga Montemayor.
"Travis?!" Bigla akong napalingon sa babaeng nagsalita. Agad na napataas ang kilay ko ng lumapit ang isang higad kay Travis at niyakap ito ng mahigpit. Aba, aba.
"Liana? Ikaw na ba 'yan?" Gulat na tanong ni Travis. Kinuha ko naman ang isang basong juice na nasa harap ko at mabilis na nilagok iyon.
"Ahh, Jeorge. Alak ata ang ininom mo?" Mahinang sabi sa akin ni Heena. Hindi ko naman siya pinansin dahil ang buong atensyon ko ay na kay Travis at sa higad na nagngangalang Liana.
"Ang gwapo mo na, Travis! Parang dati magkaheight lang tayo, ngayon ang tangkad at ang gwapo mo na!" Ngiting-ngiting sabi ni higad na kulang na lang mapunit ang mukha niya sa kakangiti. Napatingin naman ako sa dibdib niya at walang dudang mas malaki ang joga niya kesa sa akin. Ilang lalaki na kaya ang napasuso niya?
"Ikaw din, gumanda ka pa lalo. Ang tagal din nating hindi nagkita, mga tatlong taon na rin." Nakangiting sabi ni Travis. Naningkit naman ang mga mata ko sa kamay ni higad na nasa dibdib ni Travis. Kitang-kita ko kung paano niya marahang haplusin ang dibdib ni Travis at kung paano niya tignan ng malagkit si Travis.