Chapter Forty Two

241K 6.3K 974
                                    

FORTY TWO

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Din, hindi mo ba talaga nakita si Travis?" Tanong ko kay Din ng makasalubong ko ito sa cafeteria. Kanina ko pa hinahanap si Travis pero hindi ko siya makita. Kanina naman pumasok siya pero sa isang subject lang namin pagkatapos noon ay wala na. Hindi ko na siya nakita pa.

"Hindi talaga, Jeroge. Madalas ko rin siyang hindi makita. Kapag nga pupunta kami sa kanila, lagi naman siyang wala at si Shaun lang ang naabutan namin doon." Sagot sa akin ni Din. Huminga naman ako ng malalim.

"Sige salamat, i-text mo na lang ako kapag nakita mo siya, okay?" Sabi ko. Ngumiti ako ng pilit sa kanya para hindi niya mahalatang hindi ako masaya.

"O sige, itetext na lang kita." Ngumiti rin siya at tsaka umalis. Naglakad-lakad lang ako hanggang sa napaupo ako sa isang bakanteng upuan ng mapagod ang mga paa ko.

I sighed.

Isang buwan na ang lumipas ng mailibing ang Mommy ni Travis at hanggang ngayon ay comatose pa rin ang Daddy niya. Isang buwan na rin ang lumipas simula ng makausap ko ng matino si Travis. Hindi na siya madalas lumabas ng bahay at kapag pumupunta ako sa kanila ay lagi naman siyang wala. Malimit na rin niya akong tawagan o itext man lang. Kapag nasa klase naman kami ay palagi siyang tulog at minsan ay wala siya. He's being cold towards me and I really don't what is his reason why he's being so cold to everyone.

He has been changed.

Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan niya at andito naman ako para intindihin siya. Pero wala, it seems that he doesn't want me to mess with his life. He doesn't want me to help him, to be with him in the middle of his agony. He wants me to stay by his side pero ano ngayon? It looks like he doesn't.

Muli akong huminga ng malalim at bigla ay naalala ko ang pinag-usapan namin ng mga magulang ko kaninang umaga.

"Nahihirapan na ako." Mahina kong bulong sa hangin. Inihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko at sa pag-angat ko ng tingin ay tumambad sa akin ang mukha ni Xander. Napakunot ang noo ko ng makita ko siyang nakasimangot.

"Bakit ba ang aarte n'yong mga babae? Kayo na nga 'yong sinusuyo kayo pa 'yong maarte. Tapos 'yong bestfriend pa niya, napakaepal. Tang ina lang." Naiinis niyang sabi at tsaka siya tumabi sa akin.

"Problema mo? Pumoporma ka na naman?" Tanong ko sa kanya. Ngumuso lang siya sa sinabi kong iyon.

"Paano ba manuyo ng babae? Hindi ba bibigyan mo lang naman ng bulaklak, chocolates tapos konting sweet words?" Saad niya. Bigla naman akong napatawa. Tinamaan ang mokong.

"Sino naman ang malas na babae ang nilalandi mo ngayon?" Natatawa kong tanong.

"Si Maria Manuela." Sabi niya. Hindi ko napigilan ang hindi mapatawa ng sobra dahil sa sinabi niya.

"Sure ka bang buhay pa 'yan? Baka naman mamaya patay na 'yan ha!" Sabi ko. Mas lalo lamang siyang sumimangot sa sinabi ko.

"Nasaan si Ravis? Bakit hindi mo ata kasama?" Bigla niyang tanong. Natigilan naman ako, bigla kong nakalimutan na hinahanap ko nga pala siya.

"Nakita mo ba siya?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, kanina. Hindi ba't kasama ka niya kanina? Nakita ko kayo sa may likod ng lumang building ah? Tinawag ko nga kayo pero hindi naman kayo lumingon kaya hindi ko na kayo hinabol." Kaswal niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko. Hindi ko siya kasama kanina at hindi pa kami nag-uusap simula kanina.

Bigla akong kinabahan, sino ang kasama niya kanina?

"Ah—oo, kasama ko pala siya kanina pero naghiwalay din kami. Kaya hinahanap ko siya ngayon." Ngumiti ako ng pilit kay Xander at sana hindi niya nahalata na nagsisinungaling ako sa kanya.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon