TEN
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
"Boys ano ba?! Kanina pa kayo harutan ng harutan diyan ah!" Inis na inis na sabi ni Din sa mga boys. Kanina pa kasi sila sa loob ng CR at sabay-sabay silang mga naligo. Halos mag-iisang oras na silang naliligo at wala kaming marinig sa loob ng CR kung hindi mga tawanan, murahan at kung anu-ano pa. If I know, mga nagpapalakihan lang 'yan ng mga birdy nila.
"Bah, mag-hintay kayo diyan sa labas!" Rinig kong sigaw ni Xander mula sa loob at tsaka kami nakarinig ng ilang tawanan at kalabugan.
"Bwisit, kanina ko pa gustong maligo! Ang tatagal!" Inis na inis na sabi ni Din sa sarili. Mayroong anim na kama sa loob ng kwarto na tinutuluyan namin. Eleven naman kaming magkakasama kaya mayroong isang magsosolo ng kama at sana ay ako iyon.
"Hayaan mo na sila, maiinis ka lang kapag pinatulan mo pa sila. Knowing how stupid and naughty they are." Masungit namang sabi ni Heena. Si Rissa naman ay nagbabasa lang ng libro habang kakwentuhan si Felice.
"Bakit pa kasi tayo pumayag na kasama sila sa kwarto. Ayan tuloy, tayo ang nagdudusa." Sabi ko sa kanila habang kumakain ng dried mango. Sumimangot lang si Din sa sinabi ko.
Kanina, wala kaming ibang ginawa kung hindi mamasyal, mag-picture, kumain at kung anu-ano pa. Lahat ng pwede naming gawin ay ginawa na namin kaya pare-pareho kaming mga pagod ngayon. Wala namang ibang ginawa ang boys kung hindi guluhin kami at mambabae. Lalo na si Travis na walang ibang ginawa kung hindi ang manlandi ng kung sinu-sino. Miski nga mas matanda sa kanya, nilalandi niya na rin at gusto ko na siyang sakalin sa mga pinaggagagawa niya.
"Tangna, ang sarap maligo!" Sabi nila pagkalabas nila ng banyo. Mga panay wala silang suot na pang-itaas at ang iba sa kanila ay mga nakaboxer shorts lang. Bigla akong napasulyap kay Travis at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Itinaas niya ang dalawa niyang braso at kunwaring nag-popose na parang model habang nakangisi. Agad ko naman siyang inirapan sa ginawa niyang iyon.
"Feeling mo naman ang macho." Sabi ko sa sarili ko sabay kagat sa dried mango ko.
"Hoy, pabulong-bulong ka pa diyan. Kunwari ka pa, binobosohan mo lang ako." Sabi ni Travis na bigla na lang sumulpot sa may harapan ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay at tsaka siya pinakatitigan. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging kulay pink na boxer shorts lang ang suot niya. Mayroon pa 'yong tatak na hello kitty at hindi ko napigilan ang hindi matawa sa itsura niya ngayon. Kalalaking tao, suot-suot na boxers, pink!
"Tinatawa-tawa mo diyan?" Kunot-noo niyang tanong sa akin. Magkasalubong din ang mga kilay niya tanda na naaasar siya sa pagtawa ko.
"Pakielam mo kung tumawa ako?" Sabi ko ng matigil ako sa pagtawa. Tinaasan ko ulit siya ng kilay.
"Pinagtatawanan mo ba ako?" Inis niyang tanong.
"At bakit ko aaksayahin ang tawa ko sa isang tulad mo? Sino ka ba? Chicks ka ba?" Dirediretso kong sabi sa kanya. Hindi naman siya nakapagsalita sa sinabi ko. Hah! Akala niya!
Pinakatitigan niya lang ako habang mga makakapal niyang kilay ay magkasalubong. Nakita kong biglang namula ang mukha niya at agad na tumalikod. Napakunot naman ako ng noo sa inasal niyang iyon.
"Ayusin mo nga lang shorts mo! Kita na panty mo, hindi mo pa alam." Iyon lang ang sinabi niya at tsaka umalis sa may harapan ko. Agad namang nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa shorts ko.
"Hayop ka, Travis!" Inis kong sigaw sa kanya. Bwisit na 'yon! Ako pa raw ang namboboso eh siya nga 'tong naninilip. Kainis, bwisit! Kung bibigyan lang talaga ako ng pagkakataon na pumatay, naku. Walang pag-aalinlangan ko siyang papatayin!