THIRTY THREE
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
"Naaawa na ako kay Travis, Jeorge." Ani Din habang umiinom ng juice sa may harapan ko. Nasa bahay siya ngayon at wala raw siyang magawa kaya naririto siya sa bahay para guluhin ako. Sabado naman at wala naman akong masyadong assignments kaya ayos lang sa akin.
"At bakit ka maaawa sa gagong 'yon, aber?" Mataray kong sabi sa kanya.
"Hindi na namin siya makausap ng ayos, dati naman lagi siyang sumasama sa amin. Ngayon, lagi na lang siyang nasa kwarto niya at sabi nga ni Shaun narinig niya raw na umiiyak si Travis pero duda naman ako sa sinabi niya. Knowing Shaun is an asshole too." Saad niya. Ipinatong ko naman ang paa ko sa may lamesang nasa harapan namin.
"Nagpapaloko ka naman? Drama niya lang 'yon dahil natapakan ang ego niya bilang lalaki. Akala naman kasi niya patay na patay ako sa kanya, kung gusto niyang landiin lahat ng babae sa Pilipinas. Go! Suportahan ko pa siya ng financial support kung gusto niya." Sabi ko sabay kuha ng baso sa may harapan ko. Ayoko pa namang mastress ang dyosa kong kagandahan ngayong araw.
"Haynako, Jeorge. Minsan nga buksan mo rin 'yang mga mata mo. Never pa kayang naging ganoon si Travis. Dati naman kapag may nakipagbreak sa kanyang babae, parang wala lang sa kanya at malalaman mo na lang na mayroon na siyang bago. Ngayon hindi, ibang-iba siya ngayon hindi katulad ng dati. Tahimik lang siya at wala siyang pinapansin sa amin, miski nga Mommy't Daddy niya tinatanong kami kung mayroon bang nangyari. Ang nasasagot lang namin ay dahil sa'yo." Diretso niyang sabi. Napasimangot naman ako sa sinabi ni Din. So ako pa ata ang may kasalanan kung bakit siya nagkakaganoon? Aba, sisihin niya ang sarili niya!
"It's his fault, not mine. He should blame himself and he should take the consequences of his actions." I said. Napatulala naman si Din sa sinabi ko.
"Dalawang lingo mo na kaya siyang pinapahirapan." Sabi pa ni Din sa akin. Umirap lang ako sa hangin. Pumunta lang ata ang babaeng 'to rito para sermonan ako.
"Excuse me, he's the one who made things really difficult. Kung nag-isip sana siya, hindi niya sana mararanasan ang nararanasan niya ngayon." Mataray ko pa rin na sabi.
"Okay fine, suko na ako sa katigasan mo. Wala naman akong magagawa, buhay mo 'yan at labas na ako roon." She said finally dropping our conversation. Binigyan ko lang siya ng isang dyosang ngiti.
"Kaya rin pala kita pinuntahan para sabihing may party sa bahay namin mamaya." Ani niya. Kumunot naman ang noo ko.
"Sino may birthday?" Tanong ko.
"Gaga! Kapag may party may birthday agad?" Singhal niya. Napasimangot naman ako, malay ko ba!
"E ano?"
"Magcecelebrate si Mommy, naging successful kasi ang opening ng bakeshop niya." Sabi niya. Ang taray naman pala ni Tita Lilet, nagtatrabaho na nga siya sa Montemayor Empire tapos may bakeshop pa?
"Sure, anong oras ba?" Tanong ko.
"Mga six ng gabi. Punta ka ha? Kumpleto ang tropa mamaya." Sabi niya. Tumango naman ako sa sinabi niya.
"Papayagan naman ako ni Mommy, wala namang pasok bukas." Sabi ko.
"Alright, I have to go. Tutulong ako sa pagluluto ni Mommy. Tawagan mo na lang ako kapag pupunta ka na, ha?" Saad ni Din at tsaka siya tumayo. Tumayo rin ako para ihatid siya sa labas.
"Sige." Inihatid ko siya hanggang sa labas ng gate. Malapit lang naman ang bahay nila Din sa amin kaya pwede na niyang lakarin. Akmang papasok na ako sa loob ng bahay namin ng may biglang magsalita sa may likuran ko.