FIFTY ONE
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
Nagulat naman ako ng bigla siyang mabulunan ng dahil sa sinabi ko. Sunod-sunod ang pag-ubo niya at namumula na rin ang buo niyang mukha habang patuloy siya sa pag-ubo. Inabutan ko naman siya ng tubig para mahimasmasan siya. Baka kasi mamatay na lang siya sa harapan ko at maging konsensya ko pa.
"Papatayin mo ba ako?!" Singhal niya ng medyo mahimasmasan na siya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Mukhang hindi tatagal itong gagong 'to sa binigay kong chance sa kanya. Aba, bibihira na lang ang isang babae na magbigay ng third chance at ang swerte naman niya masyado! Nagmistula na nga akong genie sa ginawa ko!
"At bakit mo ako sinisisi, aber? Kung mamatay ka man sa harap ko, hindi ko na kasalanan 'yon!" Kaswal kong sabi sa kanya. Marahan akong humigop sa kape ko at tsaka sumubo ng kanin. Ngayon ko lang nalaman na masarap na pala siyang magluto ngayon. Dati kasi, puro lamon lang siya at wala siyang alam sa pagluluto.
"Ibig bang sabihin nito, tayo na ulit?" Nakangiti na niyang tanong sa akin.
"Ibang klase rin naman pala ang kakapalan ng mukha mo, ano? Hindi ko na mareach!" Sarkastikong sabi ko sa kanya habang kumakain.
"Sabi mo you'll give me another chance. So it means, tayo na ulit?" Sabi pa niya.
"Ligawan mo muna ako! Ang kapal mo ha. Babae pa rin naman ako kahit papaano! Ano 'yon, easy-easy lang? Wala man lang paghihirap? Aba, kailangan mo munang maranasan ang mga pagpapahirap ko sa'yo bago mo muling matikman ang kagandahan ko!"
"Hindi ba pwedeng ituloy na lang natin 'yong nasimulan natin? Naligawan na naman kita dati ah? Ang pangit naman kung babalik tayo sa umpisa." Hirit pa niya.
"Ano'ng palagay mo sa akin, computer shop na pwedeng magpapause time at babalikan mo na lang kung kailan mo gusto? Aba, kung ayaw mo naman ayos lang sa akin. Hindi naman kita pinipilit sa bagay na ikaw mismo ang may gusto." Diretso kong sabi sa kanya.
Agad naman siyang umalma sa sinabi ko. "Nagbibiro lang naman ako! Sinusubukan ko lang kung gagana." Ani niya at tsaka siya lumipat ng pwesto at tumabi sa akin. Nakangiti siya at hindi ko alam kung matatakot ba ako sa ngiting ipinapakita niya. Ang creepy kasi tapos ang cute niya tignan.
"Wala ng bawian 'yon ah!" Ngiting-ngiti niyang sabi sa akin. Umirap lamang ako sa hangin at nagpatuloy sa pagkain.
Buong umaga ay wala siyang ginawa kung hindi ang ipaalala ng ipaalala sa akin ang sinabi ko kanina sa kanya. Hindi na mawala ang ngiti sa labi niya at pakiramdam ko kahit umiihi siya, nakangiti pa rin siya.
"Marunong ka ba talagang mag-grocery?" Iritable kong tanong sa kanya. Puro na lang kasi beer ang laman ng refrigerator niya.
"Sige, hayaan mo. Pag-aaralan ko para kapag mag-asawa na tayo pwedeng ako na lang ang mag-grocery kapag may emergency o buntis ka sa anak natin." Nakangisi niyang sabi. Binato ko lamang siya ng lapis na nasa itaas ng ref niya.
"In your dreams, asshole." Sabi ko sa kanya. Humalakhak lamang siya habang inililigpit niya ang mga pinagkaininan namin. Ngayon ko lang din nalaman na ang sexy pala tignan ng lalaki kapag may suot na pink na strawberry apron. Pinicturan ko nga siya kanina eh tapos ipopost ko mamaya sa instagram tapos iingitin ko 'yong mga kaklase ko sa states.
"Magbihis ka, we'll go somewhere." Sabi ko sa kanya at tsaka ako pumasok sa kwarto niya. Dumiretso ako sa closet niya at naghanap ng pwedeng suotin.
Pinili ko na lamang na magsuot ulit ng plain v-neck shirt niya. Nakakita rin ako ng pulang checkered na long sleeves na pwede kong itali sa bewang ko. May dala naman akong short shorts at sigurado akong bagay iyon sa outfit ko.