THIRTY NINE
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
"Hindi n'yo ba naisip na pwedeng mayroong makakita ng ginagawa n'yo roon sa kusina?" Kalmadong sabi ni Tito Trav sa amin. Napakapit naman ako sa laylayan ng sando ni Travis. Kahit kasi na dyosa ako at maganda ako, marunong pa rin akong mahiya.
"We know about that, Daddy." Travis whispers to his Dad. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. Sigurado kang alam mo? Kung makahalik ka nga sa akin parang wala ka ng pakielam kung may tao ba sa paligid mo! Pasok ka lang ng pasok, 'yan tayo eh!
"Alam mo n'yo naman pala pero ginagawa n'yo pa rin? Travis, I am not against about your relationship with Jeorge. I am actually supporting your relationship with her and I am really proud of you, son. You are a grown-up man, Travis. You are already eighteen years old so I know you know about your boundaries. If ever na gawin n'yo man ang naiisip ko ngayon, sana naman gumamit kayo ng protection, okay? Ayokong masira ang kinabukasan n'yo dahil lang doon." Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko sa sinabing iyon ni Tito Trav. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko.
"Dad! Hindi pa namin iyon ginagawa!" Giit ni Travis sa Daddy niya.
"Hindi pa, so ibig sabihin, gagawin n'yo?" Tito Trav says then he laughs. Napanguso lang si Travis sa sinabing iyon ng Daddy niya.
"Basta, ang sinabi ko sa iyo, Travis. I trust you, I really do. Alam kong alam n'yo kung ano ang tama o mali, malalaki na kayong dalawa at alam kong matatalino kayo. Makaaasa ba ako na susundin n'yo ako?" Ani Tito Travis. Tumango naman kaming dalawa ni Travis.
"Opo, Dad." Magalang na sagot ni Travis.
"Alright, I badly need to go. Susunduin ko pa ang Mommy mo, I'll see you later. Tawagan mo na rin si Shaun at pauwiin mo na." Tumayo na si Tito Travis pero bago pa kami lumabas ay yumakap pa si Travis sa Daddy niya. Napangiti naman ako ng wala sa oras.
"I love you, Dad." Sabi ni Travis sa Daddy niya habang nakayakap.
"I love you too, son." Sagot ng Daddy niya.
Lumabas na kami sa office ni Tito Trav. Dumiretso kami ulit ni Travis sa kusina at pinagpatuloy ang ginagawa naming dalawa.
"O, narinig mo naman siguro ang sinabi ng Daddy mo, hindi ba? Bawal ang maharot." Sabi ko kay Travis. Ngumisi lang siya sa akin.
"Alam ko naman 'yon, pero hindi ko talaga mapigilan ang hindi ka landiin. Nakakagigil ka kaya." Ani niya. Kinurot ko naman iyong tagiliran niya. Kahit kailan talaga, ang landi ng lalaking 'to!
"Heh! Manahimik ka lang diyan!" Nakangiti kong sabi. Hindi ko kasi mapigilang mapangiti kahit na gusto ko siyang sungitan, nakakainis lang.
"Opo." Saad niya pero bago iyon ay hinalikan muna niya ako sa pisngi. Tahimik niya lang akong tinulungan magluto at minsan ay kinakausap niya ako tungkol sa kung anu-ano.
Wala sa sariling napatitig ako sa kanya, nagsasalita siya pero parang walang nalabas na boses sa bibig niya. Mabagal ang takbo ng paligid ko at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya, at para bang siya lang ang nakikita ko. Na para bang nasa kanya lang ang buo kong atensyon, na sa kanya lang tumitibok itong puso ko. Na tipong siya at ako, iisa.
"Babe, kanina pa ako nagsasalita pero hindi ka naman sumasagot." Nawala lang ang pag-iisip ko ng magsalita siya. Lumapit ako sa kanya at walang sabi-sabing hinalikan siya.
"Mahal na mahal kita kahit ano ang mangyari." Seryoso kong sabi sa kanya. Minsan, ako naman dapat ang gumawa nito sa kanya. Lagi na lang siya ang nagpapasaya sa akin, dapat siguro pasayahin ko rin siya, kahit ngayon lang.