EIGHTEEN
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
"Ganito ba talaga manligaw?" Inis at hirap niyang tanong sa akin habang buhat-buhat ang mga librong pinabubuhat ko sa kanya.
"Aba, ngayon ka lang ba nanligaw at hindi mo alam?" Nakataas ang mga kilay kong tanong sa kanya. Ibinaba niya ang mga librong buhat niya sa may library, sa unang palapag ng bahay. Nakatambak na ang mga libro ko sa kwarto ko kaya kailangan ko na iyong linisin, malas niya nga lang at siya ang una kong nakita kaya siya ngayon itong naghihirap na buhatin ang mga libro ko.
"Oo, ikaw pa lang." Sagot niya sa akin at tsaka niya pinadausdos ang likod ng palad niya sa may noo niyang pawisan.
"You're so funny, Travis. Stop joking." Sarkastikong sabi ko sa kanya. Who knows? Ever since we were a kid, he is a womanizer. Malay ko bang marami na siyang niligawan at nagpapa-good shot lang siya sa akin.
"Kung ayaw mong maniwala, di 'wag! Ganyan naman kayong mga babae, nilalahat n'yo kaming mga lalaki." Seryoso niyang sabi. Napataas naman ulit ang kilay ko sa sinabi niya. Ang laki ata ng hugot ng lalaking 'to? Problema niya?
"I'm just stating what I've always seen, Travis. I'm a skeptic person, you know that." Seryoso ko rin na sabi sa kanya.
"You are a skeptic person? You aren't a skeptic person, Jeorge. You are judging me." He defensively said.
"Am I judging you? I am not, I'm just stating what is the fact, Travis! If you think that I am judging you, go on! No one cares." Mataray kong sabi sa kanya. Gagong 'to! Ako pa ngayon ang nagmumukhang masama? Sinasabi ko lang naman kung ano ang nakikita at alam ko sa kanya.
"What would I expect from you? Ever since, your pride was high as a mountain. Ni hindi mo nga nagawang ibaba 'yan simula pa noon! Tapos pati ba naman ngayon, Jeorge? Bakit ba ayaw mo akong bigyan ng pagkakataon na patunayan sa sa'yo na iba ako?"
"Di bakit mo ako nagustuhan kung mataas ang pride ko? At hindi pa ba kita binibigyan ng pagkakataon ngayon? It's your chance, Travis."
"Because I want to care of you! Hindi pa ba malinaw 'yon?! Lagi na lang akong masama sa paningin mo. You called me names and I don't mind it at all because I know, one day. You'll fall in love with me and you'll call me names, but this time. It's different because you love me." Seryoso niyang sabi habang nakatingin ng direkta sa mga mata ko. Bigla naman akong natigilan sa sinabi niyang iyon, hindi ko alam kung bakit pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang lalabas na iyon sa dibdib ko.
One day.
"I won't fall in love with you! I swear it to God!" Mariin kong sagot sa kanya. Hindi siya nagsalita, lumapit lamang siya sa akin at wala akong nagawa kung hindi umatras.
"You will not fall in love with me? So why your body is acting different every time I am near? Why are you answering my kiss every time I kiss you? Why, Jeorge? Tell me." Paos niyang sabi habang patuloy na lumalapit sa akin. Naramdaman kong tumama ang mga hita ko sa isang lamesa at wala na akong maurungan pa.
"I—I just." Hindi ako alam ang isasagot ko dahil nadidistract ako sa katawan niya na kumikinang dahil sa pawis, dahil sa mapupula niyang labi, dahil sa boses niya at dahil sa kanya.
He is right, he really affects my body everytime he is near. Everytime he's looking at me, everytime he is talking and everytime he smiles. What he was doing to me was affecting me so much and I hate it. I hate it that one day, I will wake up deeply in love with him.
"Don't speak, I already know the answer." Nakangiti niyang sabi at tsaka umalis sa harapan ko. Nakahinga ako ng maluwag ng bumalik siya sa pwesto niya kung saan inaayos niya ang mga libro ko.