Chapter Fifty Nine

318K 7.4K 1.1K
                                    

FIFTY NINE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Baog nga kasi 'yon!" Mariing giit ni Xander habang subo-subo niya ang kutsara sa bibig niya. Binatukan naman siya ni Din dahil doon.

"Ikaw, wala ka ng ginawang matino kahit kailan! Mahiya ka naman sa Daddy mo! Puro kabalastugan na lang ang inaatupad mo at kaliwa't kanan ang pambababae mo! Kapag ikaw talaga, nakadisgrasya. Sinasabi ko sa'yo!" Inis na sabi ni Din kay Xander. Pilit lamang akong ngumiti sa pag-aaway nilang iyon. Sumimangot naman si Xander habang pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream niya.

"He needs space." Saad naman ni Heena na katabi ni Din.

"Aba, space pala ang kailangan niya di sana nag-astronaut siya! Gago pala siya eh!" Giit naman ni Din.

"Tsaka, baog talaga si Travis. Hindi siya makakabuntis." Muling sabi ni Xander. Inirapan lamang siyang muli ni Din.

I sighed

Hindi muna ako agad umuwi pagkaalis ko sa unit ni Travis. Ayokong makita ako ng pamilya ko sa ganitong sitwasyon. Alam kong hindi na madali ang pinagdadaan nila at mas maganda ng sarilihin ko na lamang itong sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Buti na lamang at nandito silang tatlo para kahit papano ay damayan ako.

"Ang arte naman ng lalaking 'yon, sabi ko na nga ba bading 'yon eh." Sabi ni Xander.

"Gago, bading ka rin naman." Pambabara ni Din kay Xander. Tahimik ko lamang silang pinapanood. Wala sa kanila ang isip ko dahil hanggang ngayon ay si Travis pa rin ang nasa isip ko.  Tumingin ako sa kalangitan na tila ba nagbabadya ang malakas na pag-ulan.

I smiled, painfully.

Mayroong mga bagay na pinagtago pero hindi itinakda para sa isa't-isa. Marahil ay ganoon kami ni Travis. Naranasan namin ang magmahal, mahalin ang isa't isa at masaktan, pero sa kabila ng mga bagay na iyon. Hindi pa rin kami ang itinakda para sa isa't isa.

Dapat ko na lamang sigurong tanggapin na ang mga bagay sa pagitan naming dalawa ay hindi na namin pwedeng ibalik pa. Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko. Siguro kung hindi ako nagpadala sa nararamdaman ko, hindi sana ako ngayon umiiyak at hindi sana ako ngayon nasasaktan.

"Jeorge, kaya mo 'yan." Ani Din sa akin.

"Ako na lang kasi Jeorge ang gawin mong boyfriend. Mas gwapo naman ako tsaka hindi ako baog." Saad ni Xander. Napatawa naman niya ako sa sinabi niyang iyon. Para tuloy akong sira, tumatawa at umiiyak. Patunay lamang na hindi lahat ng tumatawa ay masaya.

"Isa pa, Xander! Gigilitan talaga kita ng leeg! Kita mong nag-eemote si Jeorge ngayon eh, kung anu-anong katangahan na lang ang pinapairal mo!" Iritableng sabi ni Din kay Xander.

"Bah, totoo naman ah! Baog 'yon." Humahalakhak niyang sabi.

"I should go, naistorbo ko pa kayong tatlo. Salamat sa oras niyo ha? Kahit papaano gumaan ang loob ko." Pilit akong ngumiti sa kanilang tatlo. Tumayo na ako at tumayo na rin sila.

"Sigurado ka bang ayos ka lang, Jeorge?" Tanong pa sa akin ni Din. Ngumiti naman ako sa kanya at tsaka tumango.

"Ayos lang ako." Sagot ko sa kanya.

"Mag-iingat ka pauwi ha? Text mo ako or tawagan kapag nasa bahay ka na." Sabi ni Din. Ngumiti ako sa kanya at walang sabi-sabi siyang niyakap.

"Salamat dahil naging kaibigan ko kayo, salamat dahil hindi n'yo ako iniwan. Salamat dahil naging parte kayo ng buhay ko." Mahinahon kong sabi kasabay ng pagbagsak ng luha ko.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon