Chapter One

709K 9.4K 828
                                    

ONE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Hoy, namboboso ka na naman diyan!" Sabi ko sa maputing batang nakaupo sa isang mahabang upuan na nasa tapat lang ng basketball court ng aming private subdivision. Nakasuot pa ito ng jersey uniform at marahil ay kakagaling lang sa pagbabasketball.

"Hindi ah." Kaswal n'yang sagot at tsaka pinakatitigan ang sexy'ng babae na dumaan sa may harapan namin. Tinignan ko naman siya at nakita kong kagat-kagat niya iyong ibabang labi niya habang sinusundan ng tingin ang babaeng kita na ang kaluluwa sa sobrang ikli ng shorts na suot nito.

"She's so sexy, I'm going to court her when I turn thirteen." Narinig kong sabi niya sa hangin.

"Ang bata-bata mo pa, pero ang landi-landi mo na." Nakasimangot kong sabi sa kanya.

"Pakielam mo ba? Ang sexy kaya noong babae, palibhasa ikaw pandak tapos maliit pa boobs mo." Sabi niya sa akin. Bigla namang uminit ang mukha ko sa sinabi niya at pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko sa inis.

"Ang bastos mo! Siyempre, eleven pa lang ako. Girl pa lang ako hindi pa ako lady!" Sagot ko sa kanya.

"Sinasabi mo bang kapag naging lady ka na papatulan kita? Sus. Kahit pa lumaki 'yang boobs mo at kuminis pa 'yang legs mo, hinding-hindi kita papatulan." Seryoso n'yang sabi sa akin. Nilaro-laro n'ya iyong bola ng basketball na hawak n'ya at patuloy na tumitingin sa mga babaeng dumadaan sa may harapan namin.

"May sinabi ba akong patulan mo ako kapag naging lady na ako?! Hinding-hindi rin kita papatulan kahit pa ikaw na lang ang lalaki sa mundo!" Naiinis kong sabi sa kanya.

"Sus, baka nga crush mo na ako ngayon." Sabi n'ya pa.

"Hindi kita crush 'no! Tutuparin ko muna ang pangarap kong maging presidente ng buong Pilipinas bago mangyari ang lahat ng 'yon!" Sabi ko sa kanya.

"Hindi mangyayari ang lahat ng 'yon, baka nga mas lalo pang bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas kapag naging presidente ka. Bobo ka pa naman." Diretso niyang sabi sa akin. Lalo akong nainis sa sinabi n'ya.

"I am not stupid! Kung bobo ako, dapat hindi ako ang Top 1 sa class namin!" Sagot ko sa kanya.

"Oh talaga? Top 1 ka? Hindi naman halata sa mukha mo." Sagot n'ya. Bigla siyang ngumiti ng makita n'ya si Michelle sa harapan namin. Mas matanda siya sa akin ng limang taon pero para na siyang eighteen dahil sa pananamit n'ya at makapal n'yang make up. Mas lalong ngumisi si Travis ng makita n'ya ang sexy'ng legs ni Michelle at ang cleavage nito na kulang na lang ay tuluyan ng ibuyangyang ang kanyang boobs sa buong mundo.

"Hi Michelle!" Sabi ni Travis sa kanya. Lumingon naman si Michelle kay Travis at binigyan ito ng malagkit na tingin at ngiti.

"Hi baby boy!" Nakangiting bati n'ya kay Travis at parang sinasadyang ipakita pa nito ang boobs niya. Ngumisi naman si Travis at kinagat ulit ang ibabang labi n'ya.

"She has a big tits." Sabi n'ya pagkaalis ni Michelle sa harapan namin.

"Ang manyak-manyak mo. Siguro kapag nagkaroon ka na ng wife, marami ang magiging baby mo." Sabi ko sa kanya.

"Ano naman ang problema roon? Gwapo naman ako tsaka mayaman kami, tsaka gusto kong kumalat ang magandang lahi namin sa buong Pilipinas kaya magpapalahi lang ako." Sagot niya sa akin. Inirapan ko naman siya sa naging sagot niya.

"Kawawa naman 'yong magiging wife mo. Aanakan mo lang ng aanakan, hindi ka marunog maawa." Sabi ko sa kanya.

"Masarap namang gawin 'yon, kaya ayos lang." Sabi n'ya sabay kindat sa akin.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon