Chapter Fifty Four

256K 5.7K 167
                                    

FIFTY FOUR

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Bitiwan mo nga 'yan!" Iritable kong sigaw kay Travis ng makita kong hawak niya ang bra at underwear ko. Nandirito kami ngayon sa unit ko at pupunta kami mamaya sa Rancho para umattend sa birthday ng kambal. Simula kasi ng gabing iyon, naging malayo na ako sa mga magulang ko. Gusto ko munang umiwas at makapag-isip ng maayos kaya mas pinili ko muna na dito sa unit ko tumuloy. Hindi naman kasi madali para sa akin na malaman ang ganoong kabigat na bagay. Naging komplikado ang lahat ng nasa paligid ko at naiipit ako sa sitwasyong ito.  

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang totoo o hindi, dahil kapag sinabi ko ang totoo. Ang pamilya ko ang magdurusa at ayokong mangyari iyon. Naguguluhan ako at hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang dapat kong gawin. Ayokong dumating ako sa sitwasyon na kung saan, papipiliin ako sa dalawang bagay na napakaimportante sa akin dahil hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa kanila.

"Nice size." Nakangisi niyang sabi. Binatukan ko naman siya ng pagkalakas-lakas.

"Gago! Doon ka sa may sala at pumirmi ka lamang doon at maliligo ako!" Singhal ko sa kanya.

"Bawal sumabay?" Nakangisi pa rin niyang sabi. Mas lalo naman akong nainis at binato ko siya ng kung anong makuha ko sa gilid ko.

"Siraulo! Labas!" Muli kong singhal sa kanya. Tumatawang lumabas lamang siya ng kwarto ko habang naririnig ko pa ang mga pang-aasar niya. Tumalima naman ako at agad na kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo ko para maligo.

Binilisan ko lamang ang pagliligo ko dahil hindi ako kumportable na nasa labas lamang ng kwarto ko si Travis. Simpleng white cocktail dress ang napili kong isuot na mismong si Travis ang may regalo sa akin. Kasalukuyang nagbihis ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Travis.

Parang awtomatikong napairap naman ako sa hangin ng dahil sa pagpasok niya. Paano kung wala pa akong suot tapos bigla siyang pumasok? Ang gago niya lang hindi ba?

 

Lumapit naman siya sa akin at siya mismo ang nagsara ng zipper sa may likuran ko. I just muttered my thanks to him.

"You look hot, I wanna eat you." He whispers in my ear. Siniko ko naman iyong sikmura niya ng dahil sa sinabi niya.

"Kung ikaw kaya ipakain ko sa mga bading?" Kaswal kong sabi sa kanya. Natahimik naman ang loko sa sinabi ko at umupo lamang sa dulo ng kama ko at pinanood ang galaw ko. Kinuha ko iyong makeup-kit ko at umupo sa harap ng salamin.

"Just put light make-up. I will remove that later, anyway." He says. I just rolled my eyes.

"Opo, Mister." Sarkastikong sabi ko sa kanya. Hindi naman talaga ako mahilig mag make-up. Kapag mayroong okasyon lamang ako nagmamake-up at mas gusto rin ni Travis na light make-up lang dahil maganda na naman daw ako kahit ganoon lang ang ayos ko.

Pinatuyo ko ang buhok ko at hinayaan ko lamang na bumagsak iyon, mahaba na kasi ang buhok ko at kulay blonde pa iyon kaya bagay lamang sa akin ang suot ko.

"Babe, ang hot mo tignan." Bulong ni Travis sa may likuran ko. Nakahiga siya sa kama ko habang ang mga braso niya ay nasa likod ng ulo niya. Hinubad muna niya ang coat niyang suot at nakaputing longslevees lamang siya ngayon.

"Tigilan mo ako sa panlalandi mo." Umiirap na sabi ko sa kanya at tsaka ko kinuha ang bag ko. Nagvibrate ang cellphone ko at ng tignan ko iyon ay texts iyon ng mga magulang ko. Pinatay ko lamang ang cellphone ko at inilagay iyon sa bag ko.

"Bakit? Nagpapalandi ka naman?" Nakangisi niyang sabi. Lumabas na kami ng kwarto ko at dumiretso sa sala. Kinuha ko ang coat niya at ako mismo ang nagsuot sa kanya noon.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon