Chapter Twenty Two

295K 6.2K 263
                                    

TWENTY TWO

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Witwiw." Bungad sa akin ni Travis pagkababa ko mula sa itaas. Kulay puting tokong shorts at itim na polo shirt ang suot niya samantalang isang kulay pink na dress naman ang suot ko. Simple pero ang gwapo niya tignan lalo na't nakasuot pa siya ng bonet at shades na may tatak na RayBan.

"Saan ba tayo pupunta?" Masungit kong tanong sa kanya habang pinapasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya.

"Basta malalaman mo mamaya!" Ani niya at tsaka siya lumapit sa akin. Hindi maalis ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa akin. Nakita ko pang kinagat niya ang ibabang labi niya ng dumako ang tingin niya sa mga labi ko. Agad naman akong nag-iwas ng tingin.

"H—H'wag mo nga akong titigan!" Naiilang kong sabi sa kanya. Hindi ko kasi kayang salubungin ang mga tingin niya lalo na't ang gwapo niya sa paningin ko ngayon. Alam ko rin naman kasing minamanyak niya lang ako.

"Why not?" Matigas na ingles niyang tanong.

"B—Basta! H'wag mo akong titigan!" Saad ko. Naramdaman kong mas lumapit pa siya sa akin. Nagulat ako ng bigla niyang iangat ang mukha ko upang matignan siya. Hindi naman agad ako nagalaw sa ginawa niyang iyon.

"Tititigan kita kahit kailan ko gusto, maliwanag ba Jeorge?" Nakangisi niyang sabi habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko. Akmang magsasalita na ako ng makarinig kami ng pagtikhim sa may likuran namin. Mabilis kaming naghiwalay ni Travis dahil doon.

"Good day po, Tito." Bati ni Travis kay Daddy. Seryoso lamang itong nakatingin kay Travis at sa akin.

"What are you doing here, young man?" Seryosong tanong ni Daddy kay Travis. His face suddenly turned pale and I saw the movements of his adam's apple. I tried to suppressed my laugh.

"S—Sir, I—I just want to invite your daughter for a date." He's stammering while talking to my Dad.

"And she said yes?" Tanong pa ni Daddy.

"Y—Yes." Nauutal pa rin na sagot ni Travis.

"And you never ask for my permission?" Dagdag pa ni Daddy. I raised my eyebrow at him, I know my Dad. He's just testing Travis. Sana nga lang ay makapasa si Travis sa test ni Daddy.

"Is it necessary?" Rinig kong bulong ni Travis.

"Are you saying something, young man?" Magkasalubong na kilay na tanong ni Daddy.

"N—Nothing sir, I just want to ask if I could go with your daughter just for this day? I promised I will take care of your daughter." May kumpiyansang sabi ni Travis kay Daddy. Bilib naman pala talaga ako sa kumpiyansa sa sarili nitong si Montemayor!

"Are you sure you can take care of my daughter?" Ani ni Daddy habang matalim na nakatingin kay Travis.

"I assure it to you, sir." Agad na sagot ni Travis. I crossed my arms around my chest while watching them talking. They are so cute how my Dad interrogate Travis.

"How sure you are, Mr. Montemayor?"

"I could bet my life to that, sir." May kumpiyansang sagot ni Travis. Hindi naman nagsalita si Daddy at tumingin lamang siya sa akin bago muling ibaling ang tingin kay Travis.

"Well, If that's sure you are. I'm allowing you to have my daughter just for this day. But remember, she has a curfew and it's only eight in the evening. Am I clear?"

"Ahh—sir, can I have some request?" Ani Travis. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Aba, ang unggoy humihirit pa!

"What is it?"

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon