Inosente at mababaw
Walang inaalala sa bawat galaw
Masiyahan at pala-kaibigan
Walang bahid ng kasalanan
Musmos na kaisipan
Nais na muling maranasan
Hirap ng kalagayan
Gustong matakasan
Mabuti pang maging isang maliit na bata
Walang problema na nagpapabigat sa kalooban
Minsan ay naiingit sa kanila
Dahil sila ay malaya sa mga mapanlinlang
Hindi ba parang parusa na tumanda at maging maalam?
Dahil katumbas nun ay ang masaktan sa ano mang paraan
Paano nga ba maiiwasan ang hindi mahirapan?
Kung hindi na tayo bata para maging mangmang sa katotohanan
Minsan mas maganda pa ang maging inosente
At masasabi ko na ang mga bata ay maswerte
Dahil hindi nila kailanman mararanasan ang labis na masaktan
Ang tanging iiyakan lang nila ay dahil sa mababaw na dahilan at agad din naman itong makakalimutan
Natural ang lahat para sa kanila
Walang halong pagkukubli at walang takot sa mga mapanghusga
Hindi nagtatanim ng sama ng loob at walang bukas na inaalala
Palaging may ngiti sa mga labi at pati mata ay nakatawa
BINABASA MO ANG
MALALIM (Tula)
PoetryNakakamangha ang mga tula dahil hindi lang ito nakakapagpahayag ng damdamin, ito ay nakakapag-bigay aral din.