Akala ko dati mababago kita
Pero mas lalo kang lumala
Naging ibang tao ka na
Hindi na kita makilala
Ang iyong pananalita
Alam mo bang nahahalata
Kasi nag-iba na ang iyong dating
Parang may dalang hangin
Sa iyong matatamis na halik
Ako'y nalason at natinik
Sa maiinit mong yakap
Nalimutan ang mga pangarap
Dati, hindi mo kayang mawala ako
At ngayon parang hindi naging tayo
Bigla mo nalang akong kinalimutan
Pati ang ating mga pinagsamahan
Nakakalungkot ang labis mong pag-iiba
Para kang pamagat ng aking tula
Na aking binura dahil hindi tugma
Sa nilalaman ng aking akda
BINABASA MO ANG
MALALIM (Tula)
PoetryNakakamangha ang mga tula dahil hindi lang ito nakakapagpahayag ng damdamin, ito ay nakakapag-bigay aral din.