Masakit dahil hindi man lang nakapagpaalam
Hindi parin lubos na matanggap na ika'y lumisan
Kung nasaan ka man ngayon, sana ay ayos ka lang
Marami kang naiwan
Pamilya mo, mga kaibigan
At magagandang alaala na hanggang ala-ala nalang
Tinuruan mo kaming maging positibo
Sa mga pagsubok ay hindi ka sumusuko
Hindi matanggap, sobrang kay hirap
Parang isang masamang panaginip pa rin ang lahat
Subalit kahit anong iyak namin ay wala na
Lumisan ka na
At hindi na babalik pa
Bakit? Paano? Anong dahilan?
Sobrang daming tanong ngunit ni isa walang kasagutan
Bakit biglaan naman?
Hindi man lang kami nakapagpaalam
Sa isang kisapmata lahat ay nag-iba
Tamis ng 'yong ngiti di na makikita pa
Marami kang naiwan, nakakapanghinayang
Ang lahat ng samahan ngayon ay kay hirap ng palitan
Ikaw ay masiyahin
At palagi mo kaming pinapasaya
Ikaw din ay palakaibigan
Maasahan sa gitna ng problema
Mapagmahal sa pamilya
At totoong tao, kaya idol kita
Pero sa isang iglap, gumuho ang lahat
Napuno ng pagdurusa ng malaman ang balita
Ang larawan ng yaong aksidente
Ang malagim na imahe
Ay nagpapabigat lalo sa aming damdamin
Hindi namin kayang makita ang paghihirap mo
Naisip namin na wala man lang kami doon para ika'y tulungan
Damayan at alisin sa tulay at sasakyan na iyon
Kalunos lunos ang mga kaganapan
Pero ganun paman, hangad namin ang kapayapaan
Sana maging leksyon ang iyong pagkawala
Hindi ka namin makalilimutan
Salamat sa lahat ng kabutihan
Na nagpapaalala sa amin
Kung gaano kaganda ang mundo, aking kaibigan
Paalam
Salamat, Patawad
Ngayon ikaw ay hindi na makakasama pang muli
Ngunit sa aming mga puso ika'y mananatili
Hindi mawawala, hindi magpapaalam
Sapagkat habang buhay kang nariyan
BINABASA MO ANG
MALALIM (Tula)
PoetryNakakamangha ang mga tula dahil hindi lang ito nakakapagpahayag ng damdamin, ito ay nakakapag-bigay aral din.