"Naghahanap"Ang kanyang edad ay hindi angkop sa kanyang kaalaman
Hinuhusgahan dahil siya mismo ay hindi alam ang kanyang karapatan
Hinahamak, sinasaktan, at inaapi
Kahit na anong gawin sa kanya, nanatili parin siyang nakangiti
Hindi n'ya pa lubos na naiintindihan ang mga nangyayari
Mga tanong sa isip at mga kasagutang nakakubli
Laging positibo ang pananaw dahil hindi niya alintana ang mundong makasalanan
Minsan ay nasasaktan din siya pero agad niya din iyong makakalimutan
Matagal bago siya makaintindi
Kaya naman ay nasisigawan siya parati
Pero kahit na ganun ay hindi siya nagreklamo
Hindi man normal ay nagawa niyang makontento
Hindi niya rin sinisisi ang maykapal na binuhay pa siya
Nagpapasalamat pa nga siya dahil naranasan niya ang mga naranasan ng iba
Isa mang salot sa paningin ng iba
Binibiyayaan pa rin siya dahil special ang kalooban niya
At ang mga katulad niya ay simple lang ang kahilingan
Yun ang ang mahanap ang tunay na magmamahal at tatanggap sa kanya sa kabila ng kanilang kapansanan
BINABASA MO ANG
MALALIM (Tula)
PoetryNakakamangha ang mga tula dahil hindi lang ito nakakapagpahayag ng damdamin, ito ay nakakapag-bigay aral din.