Hindi maipaliwanag ang nadarama
Walang ibang marinig dahil sa kaba
Ang pusong gusto nang kumawala
Sabik sa iyong piling sinta
Araw araw ika'y namimiss
Sa mga yakap mo't halik ay nananabik
Sana parero tayo ng nadarama
Dahil mahal ikaw lang sapat na
Ikaw ang nagturo sa akin ng salitang pagmamahal
Sa puso ko ikaw ang pumukaw
Dalangin ko'y tanging ikaw
Ang makasama sa dambana balang araw
Mahal na mahal kita higit pa sa mga salita
Handa akong maghintay hanggang pwede na
Hindi na mahalaga kung hindi tayo magkasama
Kontento na ako na alam kong akin ka
Ang dami na nating pinagdaanan
Nabuong ala-ala na hindi malilimutan
Ayoko na ng iba maliban sa'yo
Kung hindi rin ikaw ay hindi na iibig ang tulad ko
Ikaw ay bituin sa langit
Pangarap kita at sana ay makamit
Ngiti mo ay sa akin ay nagpapasigla
Nabubuhay ang puso na minsa'y nawalan ng gana
Walang papalit sa'yo sa puso ko
Kahit may "mas" ikaw pa rin ang pipiliin ko
Ang araw at gabi ay iaalay para lang sa'yo
Sa buhangin ay isusulat ang pangalan mo
Ibubulong kung gaano ka kahalaga
Yayakapin ang hangin dahil sa 'yong ala-ala
Nararamdaman mo ba ang lamig na dala ng hangin?
Gumagabi na pero hindi ako mapapagod na ika'y isipin
Mahal lang kasi talaga kita
Sapat para ibigay sa'yo lahat
Ang buhay ko sa'yo ipagkakatiwala
Mananatiling sa'yo hanggang sa huling hininga
"Mine I love you!"
BINABASA MO ANG
MALALIM (Tula)
PoetryNakakamangha ang mga tula dahil hindi lang ito nakakapagpahayag ng damdamin, ito ay nakakapag-bigay aral din.