Tanggap ko na
Ito'y hindi na maitatama pa
Panahon ay hindi na maibabalik
Kahit magmakaawa pa sa langit
Patawad sa sarili na napabayaan
Napagod, nasira, nagbago ng tuluyan
Puso at mata ay hindi na nagtutugma
Ang pinapakita ay puro pagpapanggap na lamang
Iba ang sinasabi at ginagawa sa nararamdaman
Galit sa mundo at sa kinabukasan
Gustong bumalik sa nakaraan
Ngunit isa 'yong kahibangan
Hindi iyon maaari, maling mali
Masakit man ay kailangang tanggapin
At ang ngayon ay dapat harapin
Ito'y hindi gusto ngunit pipiliting gawin
Mundo, buwan, bituin sa langit
Anong alam mo sa aking hinanakit?
Bundok, mga puno, at ang dagat
Paano pa ba maitatama ang lahat?
Kung sa pagtingin sa salamin
May natatanging hiling
Ang pusong sawi
Na dating masayahin
BINABASA MO ANG
MALALIM (Tula)
PoetryNakakamangha ang mga tula dahil hindi lang ito nakakapagpahayag ng damdamin, ito ay nakakapag-bigay aral din.