Ang kadiliman ay hindi laging masama
Dahil minsan ito ang oras na makikita natin ang mga hiwaga
Ang buwan ay kay sarap pagmasdan
Na para bang nagbibigay pag-asa sa ninuman
O, buwan hindi ka ba nalulungkot ng mag-isa?
O baka sadyang sanay ka na
Kung sabagay ay kasama mo naman ang mga tala
Naiiba man ay pareho kayong tinitingala
Ang ilaw mo, ay ang siyang dahilan
Kung bakit napapahinto sa ginagawa dahil tila ba iyong sinusundan
Minsan ay kinakausap ka gabi-gabi
Nakangiti ngunit malungkot dahil sawi
Isa kang kaibigan para sa akin
Kapag ako ay walang makausap sa'yo ako dadaing
Tinatanong ka kahit walang sagot na marinig
Ang mahalaga ay naipahayag ang ibig isatinig
Buwan, ikaw ay labis na mahalaga
Dahil kung wala ka ay malungkot ang mga tala
Inaabangan ang pagdating mo
Minsan pa nga ay takot na tuluyan kang maglaho
Yakap yakap ang gabi
At ang umaga ay isinantabi
Sa panahong wala ng natitirang kakampi
Tanging buwan ang nanatili sa 'king tabi
BINABASA MO ANG
MALALIM (Tula)
PoetryNakakamangha ang mga tula dahil hindi lang ito nakakapagpahayag ng damdamin, ito ay nakakapag-bigay aral din.