Matagal kang nakatingin sa kalangitan
Nakatitig, nakatulala sa natatanging kagandahan
Walang lumalabas na salita, tanging paghanga
Hanggang sa naramdaman mo ang pagpatak ng 'yong luha
Kasabay ng malamig na hangin na tila sa iyo nahahabag
Dinadamayan ka n'ya dahil wala kang lakas
Natatakot ka na maging totoo sa nadarama
Umiiyak ka kasi isa kang mahina
Kung kailan ka huling sumaya ay hindi mo na tanda
Baka isa kang kasalanan, isang sumpa
Nabuhay para magdusa
Para maging mag-isa
At kasabay ng pagpahid mo sa 'yong mga luha
Ay ang muli mong pagtingin sa mga tala
Napangiti ka dahil sa kislap nila
Hindi sila natitinag, sila ay malaya
Handa ka na bang maging isa sa kanila?
Hindi mo na kailangang magpanggap
Dahil iyon ang matagal mo nang hinahangad
Ang maging isa sa mga bituin na tinitingala ng lahat
BINABASA MO ANG
MALALIM (Tula)
PoetryNakakamangha ang mga tula dahil hindi lang ito nakakapagpahayag ng damdamin, ito ay nakakapag-bigay aral din.