Sa wakas, masaya na din ang puso mo
Ilang beses mong sinubukan ngunit bigo
Ilang taon ang nagdaan bago ka natuto
At ngayon ay muli mong sinubukan at nagawa mo
Sa sobrang dami ng mga ala-ala mong mapapait
Gabi gabi man na ika'y lumuluha dahil sa sakit
Mga masasakit na salita na sayo ay ibinabato
At minsan naisip mo nalang na itigil ang buhay mo
Pag -asa sa iyo'y nawala
Ngiti ay tuluyan ng napawi
Nasanay ka na hindi masaya
Gustuhin man sa liwanag ay wala ng takas sa dilim na pinili
Ngunit sabi nga nila ay walang permanente
At lahat ng sakit na nadarama ay mawawala din
Walang ibang nakatulong kundi ang iyong sarili
Ikaw at ikaw lang sa huli
BINABASA MO ANG
MALALIM (Tula)
PoetryNakakamangha ang mga tula dahil hindi lang ito nakakapagpahayag ng damdamin, ito ay nakakapag-bigay aral din.