Tuklas

65 1 0
                                    



Nakaupo sa isang sulok

Nakasimangot ngunit masaya sa totoo lang

Akala ay alam na ang lahat ngunit ngayon lang ito naging makabuluhan


Taon ang binilang, nilinlang ng matagal


Ginamit ang kalungkutan upang maging hangal


Pinagtakpan ang kalupitan ng mundo sa isang kasinungalingan


Ang lahat ng nasabi at nagawa ay walang katuturan


Inakalang nag-iisa ngunit ang totoo ay may karamay


Nabulag nung una ang may pakana ay ang kaaway

Ngayon ay nabuksan ang daan papunta sa katotohanan

Ang katotohanang ninanais ng lahat na matuklasan

MALALIM (Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon