Akala mo ay makakaya mo na
Magsimula muli at gawin ang tama
Mabuti at hindi ka nangako
Dahil hindi mo rin iyon magagawa
Ilang taon pa ang lilipas at muli kang mahihibang
Mababalot sa dilim ang 'yong bawat hakbang
Ang utak mo ay lilituhin ka na naman
Kung kailan maayos na, saka ka matitigilan
Alam ng lahat ang iyong ginawa
Isa kang makasalanan
At higit sa lahat ay walang napatunayan
Masama ka sa paningin nilang lahat
Hindi mo alam kung kailan iyon mawawakasan
Pati ang paghihirap mo
Araw araw ay hindi ka tinitigilan
Ng maliliit na boses na bumubulong
Kahit takpan mo man ang tenga ay hindi sila humihinto
Palagi silang nanggugulo sa iyo
Pero bakit hindi mo gamitin ang iyong puso?
Para lunurin ang kasinungalingan ng isip mo
BINABASA MO ANG
MALALIM (Tula)
PoetryNakakamangha ang mga tula dahil hindi lang ito nakakapagpahayag ng damdamin, ito ay nakakapag-bigay aral din.