Bawat oras na hindi ka kasama
Mga panahong ako'y nagdurusa
At sa bawat kahilingan na sana ay kapiling ka
At ang aking puso na nakulong sa iyong ala-ala
Sa ibang panahon, pwede kayang maging tayo?
Yung tipong walang hadlang sa ikaw at ako
Pwede kayang magbago ang ating mga kapalaran?
Kung sa ibang mundo pareho tayong may kalayaan
Sasama ka ba sa akin sa kabilang daigdig?
Wag kang matakot sa akin ika'y manalig
Tayo ay maglalakbay sa paraiso na puno ng pagmamahal
Kasiyahang walang hanggan na alam nating magtatagal
Magbibilang ako at tayo ay hahayo na
Kumapit ka sa akin at wag kang mag-alala
Magkasama tayo sa kahit na anong problema
Sa ibang mundo tayo ang magkasangga
Parang ayoko ng umalis kung nasaan tayo ngayon
Marahil dahil mas gusto ko ito kaysa sa ating dimensyon
At ayoko ng bumalik pa, kahit ito man ay isa lamang imahinasyon
Sapat na sa akin ang nariyan ka sa lahat ng pagkakataon
Tila mali man ang ating paraan ng pagsasama
Ngunit ang mahalaga ay pareho tayong masaya
Wala ng hahadlang pa sa atin, hindi na tayo magkakahiwalay pa
Hindi na tayo mapapagod na magtago, sa ibang mundo tayo ay magiging malaya
Ngunit hindi tama ang umasa nalang sa kathang isip
Hindi dapat laging iasa ang lahat sa langit
Kapag tayo talaga ay hindi natin kailangan pang ipilit
Dahil tadhana ang magbibigay ng tulay para sa ating pag-ibig
BINABASA MO ANG
MALALIM (Tula)
PoetryNakakamangha ang mga tula dahil hindi lang ito nakakapagpahayag ng damdamin, ito ay nakakapag-bigay aral din.