Mga matang mapanghusga
Masasakit na salita
Tumatagos hanggang kaluluwa
Pumapatay sa munting pag-asa
Ilag sa katotohanan
Mapanlinlang na katauhan
Di maintindihan ang nadarama
Magulo ang takbo ng storya
Nagmistulang isang karera
Pag nahuli'y talo ka
Angat ang may kaya
Walang silbi ang mahihina
Nakakabulag ang sistema
Kayang manipulahin ang tama
Sa mga mata ng madla
Minsan ikaw pa ang masama
Handa ka ba sa magaganap?
Katotohanang malalantad
Sa huli ay sa'yo nakasalalay
Kung papatangay ka sa agos ng buhay
Ang tanong, susuko ka nalang ba?
Kailangan mo nang lumaya
Kahit na hindi maintindihan ng mundo
Ang mahalaga ay ang kabutihan ng iyong puso
Ipaalala mo kung gaano kahalaga
Ang gawin kung ano ang tama
Na kahit ikaw lang ang gumagawa
Kahit ikaw lang ang naiiba
Tandaan mo, kaya mo yan!
BINABASA MO ANG
MALALIM (Tula)
PoetryNakakamangha ang mga tula dahil hindi lang ito nakakapagpahayag ng damdamin, ito ay nakakapag-bigay aral din.