Nakapikit, ninanamnam ang sakit
Dinadaan ang nararamdaman sa isang awit
Ingay galing sa iba ang tanging naririnig
Walang may alam ng nararamdamang pasakit
Pangarap ay naging parang usok
Nawalan ng pag-asa ang palaging nasa sulok
Nagpipigil, hindi makasigaw at makapag-sumbong
Blangko ang tingin habang unti-unting nalulunod

BINABASA MO ANG
MALALIM (Tula)
PoetryNakakamangha ang mga tula dahil hindi lang ito nakakapagpahayag ng damdamin, ito ay nakakapag-bigay aral din.