Ulan

415 10 0
                                    

Kay sarap pakinggan ng patak ng ulan

Ang tila lumuluha na langit ay parang mahika na marikit

Mga dahong nagsasayaw ay nakakawala ng antok sa katawan

Mga ala-ala ng nakaraan ay tila nanunumbalik

Ibon na nagliliparan ay kay sarap tingnan

Ang magandang bukas ay kapana-panabik

Isang kaganapan sa buhay ay tila may bahid ng kasamaan

Mga maling desiyon sa buhay, mga taong mapansamantala at mapanakit

Ang tila umiiyak na langit ay isang lunas sa karamdaman

Pilit naghahanap ng kasagutan sa bakit

Mga lumipas ay nais balikan

Ang pusong uhaw sa pagmamahal ay nagkaroon ng tinik

Na nagsisilbing dahilan upang masanay sa kadiliman

At ang dating katauhan ay 'di na maibalik

MALALIM (Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon