Repleksyon

151 1 0
                                    

Mga mata ay napagod na

Araw araw ay lumuluha

Di maipinta ang nararamdaman

Sa tuwing makikita

Pag-ibig na di na maibabalik pa.

Parusa na nga ba ng tadhana?

Sarili ay nag-iiba

Nagbago dahil sa kanila


Ang iyong kagandahan

Sa repleksyon ay 'di masisilayan

Unti unti din na makikita

Ng bulag nilang mga mata

At ngayong nag-iisa ka na

Makakaya mo na

Di ka na matutulog ng may luha sa mga mata

Makikita nilang lahat ang tunay mong ganda


Babasagin ang salamin

Ang repleksyon mo ay hindi kailangan

Sirain mo na at aminin

Di mo kailangang magbago para mapansin


Tumingin ka sa akin

Sa mga mata mong nagniningning

Palayain mo na ang sarili

Nag-iisa ka at walang katulad, binibini

MALALIM (Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon