Lagi nalang tayong nag-aaway
Kahit sa mga simpleng bagay
Ngunit mahal na mahal ka
Totoo ang pinakita at pinadama
Magkahawak ang kamay
Tatakas ng sabay
Isisigaw ang lahat ng nararamdam
Ang lahat ng hinanakit sa buhay
Ito ang matagal ng inaaasam
At ngayon ay malapit ng makamtan
Basta 'wag ka lang mang-iiwan
Ayoko nang muling masaktan
Magsasayaw kahit walang tugtog
Mga puso ay mag-iisa at ihahandog
Pag-ibig na panghabang buhay, irog
Ikaw lang walang iba, natatangi
Hindi ka iiwanan pang muli
Mahal ko, hindi na tayo magkalalayo
Pangako na tayo hanggang dulo
Ikaw lang at ako
At walang magbabago
Iiwanan ang madilim na nakaraan
Sa'yo lamang ako kahit kailan
Ikaw ang kinabukasan
Ikaw na rin ang aking buwan
Balikat mo ang panyo kapag mayroong problema
Pupunasan ng kamay mo ang mga luha
Na nagbabadyang tumulo dahil nadudurog ng sobra
Pagod na sa lahat ng maaring makasira
Maghihintay ako sa ating muling pagtatagpo
Sa ating tamang panahon
Kapag lahat ng mali ay naitama na
Ikaw pa rin mahal, walang iba
Sa muling pagkikita, ikaw pa rin ang mamahalin
BINABASA MO ANG
MALALIM (Tula)
PoesíaNakakamangha ang mga tula dahil hindi lang ito nakakapagpahayag ng damdamin, ito ay nakakapag-bigay aral din.